FORTY NINE

27 4 0
                                    




CHAPTER FORTY NINE | I Need You 



"Ate Saiki!" Agad na yakap sa'kin ni Kylie, pagkapasok ko pa lang sa pinto nila.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Karl, dahil ang napagusapan ay magulang daw ni Karl ang uunahin, kaso mom niya lang ang nandito at si Kylie, umuwi na muna ang iba at kami ni Karl, April, Fate, Belle, Ludifer, at Jiro ang natira.

Ang dami naman namin natira dito para lang magpaalam.

Pumasok kami sa bahay at sa sala tumambay habang tinatawag ni Karl ang mama niya.

Habang nakaupo kami, dali-daling lumapit sa'min si Kylie na kaninang humiwalay sa yakap para tumakbo sa kusina, pumunta siya sa sala at may dalang tray na puno ng brownies. "Favorite mo, ate Sai!" Ang nakangiti niyang sabi, napansin ko na nakasuot siya ng dress ngayon at naka-apron.

Nilapag niya ang tray sa lamesita at agad naman kumuha ng brownies sina April, Fate, Ludifer at Jiro- mga gutom!

"Tirhan niyo po si ate Saiki ko!" Ang nakangusong sabi ni Kylie, natawa naman ako.

"You've grown..." Natigil kaming lahat at nabaling ang atensyon kay Belle na bigla-bigla na lamang nagsasalita, nakatitig siya kay Kylie habang nakangiti.

Malumanay ang ngiti niya.

"Ate Ali?" Patanong ni Kylie. 

I sighed, of course they know each other.

"Been so long." Nanatiling nakangiti si Belle pero malungkot ang mga mata niya, si Kylie naman ay hindi nakagalaw sa pwesto niya at nakatitig lamang kay Belle. Hindi ko alam kung malapit sila sa isa't isa, siguro sa lahat ng naging girlfriend ni Karl, baka si Belle ang pinakagusto niya- hindi ko alam at ayoko na alamin pa.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang masungit na tanong ni Kylie kay Belle na nagpalaki ng mga mata ko, hindi ko alam kung iiwas na ba ako ng tingin o ano...

"Algianna, how nice to see you again." Lahat kami ay napalingon sa likod namin kung saan ang pasilyo, doon nakatayo si Karl at sa tabi niya ay ang mom niya. Nakaayos ito, puro alahas, kaunting makeup, at maayos na pananamit, mukha talagang mayaman ang datingan.

"T-Tita..." Hindi makaharap si Belle sa kanya kaya't yumuko na lamang siya.

"Hi tita!" Sabay na bati ni April at Ludifer, ang dalawang walang hiya talaga. Nilingon ko ang mama ni Karl, sakto naman na sa akin siya nakatingin, "Saiki Hirano, nice to see you too again." Bati sa akin ng mom niya. "Nice to see you too, miss." Ang bati ko pabalik at napayuko.

Natahimik kaming lahat.

"Hmm... a new face," Ang pansin niya kay Jiro na tahimik lang sa tabi ni April, napaangat ito ng tingin at ngumisi lang. "Anyway, what do you all need?" Tanong niya. 

"May lakad pa ako, kaya bilisan lang." Ang dagdag niya saka lumapit sa amin at nanatiling nakatayo.

"Tita, ipapaalam lang po namin si Karl kung pwede sumama sa Wednesday para sa outing namin magkakaibigan?," Ang panimula ni April. 

"Dalawang araw lang po," Sunod ni Fate, agad naman nagsalubong ang kilay ng mom ni Karl kaya't natigilan sila April at Fate.

"If you still trust me, I will look after him." Ang singit ni Belle sa usapan, nilingon ko siya ang akala ko ay nakatingin na siya pero nakayuko pa rin pala. Huh, ang lakas naman ng loob niya na magprisenta ng kanyang sarili sa harap ng jowa ni Karl.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon