TWENTY THREE

96 6 0
                                    



CHAPTER TWENTY THREE | Crazy Idiots



"May chismis ako!" Lumingon si April sa nagsalita habang lumlangoy siya papalapit kay Karl na walang T-shirt na suot. "Ano na naman yan Bea?" Tanong ni April nang maabot na niya si Karl. Diring-diri ang tingin ni Karl kay April, dahil ang mga kamay nito ay nakapatong sa dibdib niya.

Humarap siya sa amin ni Trisha at parang nanghihingi ng tulong. "Tulungan na ba natin siya?" Tanong ko habang nakangisi. "Hayaan na natin siya," Alik-ik ni Trisha saka nginitian lang si Karl.

"Balita ko may jowa na daw si Riyu." Ang 'chismis' ni Bea kay April. Agad naman ako napalingon kay Bea na nakaupo sa gilid ng pool habang nakababad ang mga paa niya. "Jowa?" Ang tanong ko na kumuha ng atensyon ng dalawa.

"My gosh memesh! kapatid mo hindi mo alam may jowa na- dinaig ka pa." Ang asar niya sa'kin. Inirapan ko lang siya habang si Bea ay unti-unti na umalis sa gilid ng pool. 

Hindi na ako naghintay o nagsalita pa at agad siya hinila sa pool, "Hindi ako-" Hindi na siya nakapagsalita nang hawakan ko siya sa kamay at dinala sa gilid para may mahawakan siya. "Hindi ako marunong lumangoy..." Ang nanghihina niyang sabi.

"Alam ko, sa chismis ka lang magaling lumangoy," Ang berbal ko na sabi. "Grabe ka memsh!" Ang angal sa akin ni April. Tiningnan ko si Trisha pero tumatango lang siya. Grabe na ba ako? ayoko lang na puro chismis ang naririnig ko na lumalabas sa bunganga ng babaeng ito.

Kanina pa siya, simula nung magbabad kami sa pool ay pabalik-balik siya sa amin na may dala na bagong chismis. Kay April niya sinasabi pero syempre naririnig din namin- Nainis lang talaga ako dahil puro na lang chismis... lalo na yung tungkol kay Riyu na alam ko hindi naman totoo.

"What's happening?" Agad na sulpot ni Riyu, tumalon siya sa pool at tumabi kay Bea na ngayon ay nanginginig na. "Are you okay?" Alalang tanong niya kay Bea.

"She's fine, don't worry about it." Ang sagot ni Trisha para kay Bea, napalingon si Bea kay Trisha at parang nagulat sa biglang pagsagot niya. I smirked.

"Kanina ka pa, puro na lang chismis ang lumalabas sa bibig mo-" Sumingit agad si Karl bago pa man ako makatapos. "Tama na girls," Ang sita niya.

"Uso yung facts." Ang di pag pansin ni Trisha kay Karl at sinabihan si Bea. "A-Ayoko na!" Ang sigaw niya at pilit na inaangat ang sarili para makaalis sa pool, pero nahihirapan siya. "Need help?" Tanong ni Riyu habang nakakunot ang noo, dahil panigurado ay wala siyang naintindihan sa mga pinagsasabi sabi namin.

"No!" Sigaw ni Bea at binaybay ang gilid ng pool para makaabot sa hagdan, pagakyat niya ay tumakbo agad siya papasok ng bahay.

Napatawa na lang ako sa sarili ko nang sundan ko siya ng tingin, nang mawala siya sa paningin ko, tumalikod ako saglit para maghilamos ng mukha, gamit nag tubig sa pool. Malamig at nakakapresko sa panahon ngayon. Ang init pa naman, tapos sasabayan ng chismis na nakakainit ng ulo, nakakabwiset diba?

Ang sarap manapak.

"Alam mo Kaye, piliin mo mga kachismisan mo." Lumapit si Tisha kay April at puwersang inilayo si April kay Karl. Nakahinga naman ng malalim si Karl na para bang natanggal ang bigat ng mundo sa kanyang mga balikat.

Nilubog niya ang kanyang sarili sa pool ng ilang segundo at umangat din.

Tamang basbas lang ng kalayaan sa sarili niya mula kay April, alam naman namin na mala-koala ang babae na 'yon, gusto pa naman niya si Karl.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon