THIRTEEN

113 7 0
                                    



CHAPTER THIRTEEN | Your Nurse



"Sai, hindi ko kasi ito maintindihan." Sabi sa'kin ni Karl at tinuro yung isang problem sa Science. "Paanong hindi mo maintindihan?" Tanong ko, He shrugged.

"Basta hindi ko magets paano malalaman kung saan ito at 'yon." Sabi niya at tinuro ang iba't ibang components. I sighed.

Inabot ko ang tinuturo niya sa'kin at sandaling inintindi ang problema niya.

"Sige ganito, itututro ko ito sa'yo bukas pero ngayon focus muna tayo sa English, para sa essay mo, at sa project mo para naman sa History." Paliwanag ko at tumango naman siya.

Sumandal siya at saka tumango-tango.

Dinala niya ako sa starbucks- yaman, no? Sabi ko bakit dito pa sa dinami-dami ng pwedeng puntahan, pero ang sabi niya libre naman daw niya, edi sige, libre naman pala. Teka, libre ba talaga o eto na ang bayad para sa pagtulong ko sa kanya?

"Alam mo nagugutom ako, ikaw ba ano sayo?' Tumayo siya at kinuha ang wallet niya mula sa bulsa. Napatingala ako sa kanya at umiling. "Ah? Wala ayos lang ako ikaw na lang." Tanggi ko, He shrugged and went in line.

Napahinga ako ng malalim at tiningnan ang phone ko. Walang chat o text mula kay mom o kay Riyu. Puro notifications lang sa games ko. Nilapag ko ang phone ko sa table at kinuha ang isang notebook ko mula sa bag.

Nilabas ko rin ang pencil case ko na puro colored pens at ibang drawing and design materials, hindi ako magaling o talagang marunong magdrawing pero libangan ko ito pag wala akong magawa.

Binuklat ko ang notebook ko sa last pages at nagsimula magdrawing ng kung ano man ang pumasok sa isip ko, Sa totoo lang wala akong maisip kung hindi ang letter ni Riyu... hindi ko alam bakit, pero pakiramdam ko napaka lungkot niya nung sinulat niya yun.

Tingin niya ba na sinisisi ko sila ng mom niya?

"Sai oh, binilhan kita mukhang kailangan mo, at sabi ko naman na libre kita." Ang sabi ni Karl na nagpatigil sa'kin sa pagdradrawing ko, pinagmasadan ko ang binili niya.

Frappe. Of course. Which is good, I'm not complaining, it looks good. I haven't tried this flavor, but I think it might taste sweet and strong.

"Eto nga pala pinabibigay ni Kylie." Ang sambit niya at may nilabas siya mula sa bag niya, "Mukha talagang nagustuhan ka ni pandak." Ang sabi niya at inabot sa akin ang isang medium sized na box. Kinuha ko ito at binuksan.

"Brownies... with white melted chocolate drizzled on top." Bulong ko sa sarili ko, napangiti ako at nilapag ito sa lamesa. "Penge ako, ah!" Bago pa man ako makasabat ay kumuha na kaagad si Karl ng isa. Tinitigan ko siya ng masama at kumuha na rin ng isa.

"I told you, you look better with a smile." Ang sabi niya sabay kindat. Napairap naman ako. "Shut up." Sabi ko at hinagis ang isang crumpled paper ko sa kanya, sinalo niya ito at hinagis sa basurahan na malapit sa amin-  shoot naman.

Tinago ko ang notebook ko at pencil case sa bag at nagusap na lang kami tungkol kahit saan habang kumakain- at syempre tatapusin din namin yung project niya.






"Saiki, anak?" Rinig ko ang boses ni mom pero hindi ko mamulat ang mga mata ko. "Mom?" Ang mahina kong tawag kay mom, pero panigurado ay hindi niya ako narinig.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon