ELEVEN

147 8 0
                                    




CHAPTER ELEVEN | Happy Family



Three whole hours, yes tatlong oras kami dito ni Karl na nagaaral, kumakain ng mga treats na si Kylie ang nag bake. "Break muna tayo please." Makaawa ni Karl na mukhang sumabog na ang utak- ikaw ba naman History ang pagaralan.

Di ko na siya kailangan tulungan sa math, doon nga siya magaling eh, sana all diba.

Gusto daw siya ilaban ng principal namin sa mga contest para sa math, kaso ayaw niya naman since hindi siya interesado sa mga competitions. though he looks competitive. "Sige na nga, kahit gusto mo lang naman maglaro." Ang sabi ko at sinara ang libro pero inipit ang pen ko sa page na pinagiwanan namin.

Humiga siya sa kama niya at tumabi naman ako sa kanya pagtapos ko ilapag ang books sa carpet. "Saan nga pala natuto mag-bake si Kylie?" Ang tanong ko habang nakatitig sa kisame. Napatawa naman siya at inabot ang phone niya mula sa bed side table niya.

"Malay ko rin doon, baka sa youtube dahil hindi naman marunong si mom at dad." Ang sabi niya at biglang kamot sa ulo niya, napairap naman ako. "Baka sayo natuto yan ah!" Asar ko pero hindi siya umimik.

"Oh, natahimik ka?" Tanong ko at tinignan siya. Napatingin din siya sa'kin. "Napaisip ako, pag natuto ba ako mag-bake tutulungan mo ako lagi?" Seryoso niyang tanong. Napatingin naman ako sa kanya at di ako naniniwala na magaaral siya mag-bake para lang sa tulong ko.

Binaling niya ang tingin niya sa kisame saka nilapat ang isang kamay niya sa dibdib niya.

"Oh, sige basta may pagkain!" Ang pabiro ko na sabi, ngumisi naman ang loko at may pinindot-pindot sa phone niya- imposible na magaral mag-bake si Karl, baka maputi na buhok ko bago pa man siya matuto!

"Knock knock!" Ang biglang sabi ng isang boses mula sa labas ng pinto niya. "Who's there?" Tanong ko naman at tumawa. Pumasok si Kylie at may dalang tray ng mga brownies, putcha kanina si Karl ang nagbigay sa'kin ng brownies; Ngayon kapatid niya naman.

"Uy, favorite ni Sai!" Banggit ni Karl, sabay tayo at inabot yung tray, lumapit siya sa akin at inabot yung tray- tinitigan ko siya. Paano? paano niya nalaman na paborito ko ang brownies?!

Kumuha ako ng isa para tikman, mhm!

Matamis!

"Here!" Sabi ni Kylie at inabot ang isang mangkok na may laman na parang melted white chocolate, "Try dipping it!" Ang suggest niya sa'kin, kumuha naman ako ng isa pang brownie at sinubukan ang sabi ni Kylie.

Pakiramdam ko matutunaw ako sa sarap!

"Damn!"

"Where did you learn to bake?" I asked, she giggled. "Secret!" Ang sagot ni Kylie at kinindatan ako- aba! parang kuya niya lang. Hilig sa kindat?

"Hey kapre! sa lahat ng babae na pinakilala mo sa'kin, siya ang pinaka gusto ko." Ang sabi ni Kylie sabay turo sa'kin na lumalamon ng brownies. Tiningnan naman ako ni Karl. "Wag ka magalala madalas mo makikita yung baboy na 'yan." Ang biro ni Karl.

"Oh really?!" Di makapaniwalang sabi ni Kylie. 

"Magiging kayo na? will you be my sister in law?!" Mabilisang sunod-sunod na tanong ni Kylie. "Woah! chill nagmamadali ka naman... I don't even like your brother." Ang honest ko na sagot.

"Hmm... I can see why." Biro ni Kylie sa kuya niya at tiningnan ang kuya niya mula ulo hanggang paa sabay tawa. "I'll leave you two alone." Ang paalam niya saka umalis kasama ang tray at mangkok na wala nang laman dahil sa amin. Tuloy lang ang paglabas ng kwarto, habang natahimik kami ni Karl.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon