ONE

1K 20 4
                                    




CHAPTER ONE | How We Met



I rushed out of school as I saw what I didn't expect, a text from my mother saying that all of a sudden my father showed up at our house with a boy.

Di ko inaasahan na tatakbo ako ngayong araw na ito pauwi, wala eh mahirap sumakay ng ganitong oras, kaya ko naman lakarin na lang.

Pero teka, bakit bigla-bigla na lamang nagpapakita si dad sa bahay- tapos may kasama pa?!

Whatever, malalaman ko din naman eh.

Habang tumatakbo ako pauwi ay tuloy pa rin ang pag ingay ng phone ko, hindi ko alam kung sino ang nagtetext sa akin pero ngayon ay wala na muna akong pakialam sa kung sino man 'yon.

Nang makaabot ako sa bahay ay sakto naman na nakita kong naka parada ang isang magarang kotse sa harap ng bahay namin, isang Montero ito kung di man ako nagkakamali- kung mali ako, edi sige ako na mali.

Nilagpasan ko ang kotse saka nagmadaling pumasok sa bahay, dali-dali ko namang binuksan ang pinto at saka ko nadatnan si dad at mom na nag uusap ng kalmado.

Napataas ang isang kilay ko. "What the hell is happening?" Tanong ko, nilingon naman ako ni dad, He smiled. 

"Ah, my dear princess!" He exclaimed, joy filling his tone as he stood up and walked towards me, to which I stopped him.

"Why are you here?" Munting tanong ko na talagang gusto kong malaman ang sagot, ngunit di siya sumagot. 

"Ah... anak, nandito siya para iwan ang kapatid mo sa atin, dahil nama-"

Bago pa man matapos ni mom ang sasabihin niya ay pinigilan ko na, "Kapatid? sandali, magsimula tayo sa umpisa, and I want you to explain." Ang marahas kong sabi patungo kay dad.

Napahinga siya ng malalim, alam ko na hindi siya makaintindi ng Tagalog, pero nakuha niya naman ang ibig ko sabihin kaya't umupo siya at tiningnan akong maigi.

"When I left you a few years ago, I did that because I couldn't fight back to my parents, your grandma and grandpa wanted me to marry another woman, but I refused... they forced me and even threatened me that they would kill you and your mother, and so I had no choice but to agree," Ang panimula niya.

"Yes, I know that I am too old for arrange marriage, but it seems that our only company is failing, and so they had no choice but to use Agatha for the company, and I had no choice either, It was to lose both of you for a few years, or lose both of you forever." Ang pagtatapos niya.

"So, the boy you're with?" I asked, napahinga uli siya ng malalim saka tumingin sa hagdanan, sinundan ko ang kaniyang tingin pero wala akong nakita doon. 

"He is your stepbrother, Agatha's child. Agatha had a child before I even entered her life, and I treated him as my own son." Paliwanag niya saka siya napatingin kay mom.

"Anak, alam ko na di mo ito matanggap ngayon, pero parte na si Riyu ng ating pamilya." Ang singit ni mom sa amin ni dad.

Tumango na lang ako, "Nasaan ba siya?" Tanong ko, sakto naman na may narinig akong ingay mula sa taas at mga footsteps pababa ng hagdan, paglingon ko ay nakita ko ang isang lalake na kaedad ko. Maputi, singkit, matangkad, medyo wavy ang buhok, mapula-pulang labi, matangos na ilong, at ang kanyang magandang mata na kulay abo.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon