FORTY SIX

35 6 0
                                    




CHAPTER FORTY SIX | My Peace



Palubog na ang araw, pero ang aking isipan ay puno pa rin ng magugulong isipin, mga tanong na walang kasagutan sa ngayon, mga imahinasyon na pakiramdam ko parang totoo- nakakatakot dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mangyari man ang mga 'yon.

Nanatili akong nakaupo sa tabi ni Riyu, nakapikit siya, tahimik, kalmado, at maamo ang itsura- bihira ko lang siya makitang tulog, ang tahimik niya tingnan na para bang mapayapa ang mundo niya.

"Sai..." 

Nagulat ako sa pagtawag niya sa pangalan ko, napailing ako ng marahan dahil alam ko na nananaginip lamang siya, pero bakit ako?

Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko, habang ako ay nagbabasa ng ginawa niya kanina. Pinagsulat ko siya ng isang love letter gamit ang Tagalog, ang utos ko ay isipin niya ang minamahal niya saka magsulat para sa tao na iyon. Habang binabasa ko ito, napansin ko na wala itong pangalan para malaman kung sino ang kanyang tinutukoy, kung kanino niya ito pinaparating.

Hmm... matalino, ah.

Hindi siya ganoon kagaling gumawa ng isang sulat, pero alam ko na ginawa niya ang makakaya niya upang iparating ang nararamdaman niya sa tao na iyon gamit ang sulat na ito, kahit hindi siya ganoon kagaling sa pagpapakita ng emosyon niya- matututunan niya rin naman 'yon.

Now that I think about it...

Hanggang ngayon, kaunti pa lamang ang alam ko tungkol sa kanya, hindi ko alam ang naging buhay niya dati noong nasa Japan pa siya at noong kasama pa niya ang mom niya. 

Halos wala akong alam sa mga taong nakapaligid sa akin...

Hindi ko alam kung ano nga ba ang ugali ng ama ko, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya, hindi ko alam kung ano ang tingin niya sa akin maliban sa anak niya. Hindi ko alam ang nakaraan ni Karl, hindi ko alam ano ba talaga ang tumatakbo sa isip niya, hindi ko alam at hindi ko malalaman ang nararamdaman niya hanggat hindi niya ito sinasabi o pinapakita sa akin.

Wala akong alam sa pinagdaanan ni Riyu, hindi ko alam ano ang mga hilig niya, anong klase akong kapatid na halos walang alam sa kanyang kapatid?

Hindi ko lubos na kilala ang mga taong nakapaligid sa akin... pati na ang aking sarili, hindi ko na alam ang aking nararamdaman.

Buntong hininga na naman, lagi na lang, heto na naman.

Tinitigan ko ang mukha ni Riyu habang tulog siya, saglit ko muli pinagmasdan ang mukha niyang maamo, maamo kapag tulog, pero halos walang emosyon pag gising.

"Oh, nakauwi na pala kayo?" Ang gulat na tanong ni mom na bigla-biglang sumusulpot. Napalingon ako kay mom at tumango, nilapat ko ang isang daliri ko sa labi ko para sabihin kay mom na wag maingay. Napangiti siya nung makita niya si Riyu na tulog sa balikat ko.

Napansin naman ni mom na may hawak ako na papel, lumapit siya sa akin at tumabi ng upo, sinilip niya ang papel pero iniwas ko ito, "Aba, ayaw ipabasa sa'kin-" Ang asar ni mom.

"Ma, sinulat ito ni Riyu para icheck ko- pinagawa ko ito sa kanya at panigurado ayaw niya ipabasa sa iba." Ang sabi ko kay mom at lalo iniwas sa kanya, marahan ko inilalayo para hindi magalaw at magising si Riyu.

Dahil sa hindi na ako makagalaw sa pwesto ko ay kinuha ni mom ang oportunidad na ito para hablutin sa akin ang papel kung saan nakasulat ang pinagawa ko kay Riyu, kung saan sinulat ni Riyu ang mga damdamin niya para sa iisang tao na 'yon.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon