THIRTY SEVEN

39 5 0
                                    




CHAPTER THIRTY SEVEN | Here For You



Pagkatapos namin sa arcade sinundo namin sila Fate at Ludifer sa department store, Himala nakatiis si April na hindi bumili ng kung ano-ano. Nagtititpid talaga ang loka.

Pagkalabas na pagkalabas nung dalawa agad pinakeelaman ni April ang mga dala ni Ludifer, syempre hindi nakatiis at gusto malaman ano binili ng bruha. 

"Oh, ano na ang sunod natin na gagawin? ano balak?" Tanong ni Ross na nakaakbay na kay Fate, Napatingala si Fate sa kanya at pati na rin si Trisha napatingin. Kung gusto niyo malaman ano ginawa ni Trisha sa arcade- ayun, naglalaro lang sa cellphone niya. Busy si Ross at Karl sa mga laro habang ako, si Riyu at si April kumakain sa sulok, dahil bumili kami ng pagkain.

Maglalaro sana ako kahit isang karerahan lang, kaso mas malakas ang gutom ko kaysa sa kati sa paglalaro, kaya napabili ng pagkain at dinamay na lang sila.

"Riyu got anything to do in mind?" Tanong ni Karl kay Riyu na nananahimik sa isang tabi, nasa telepono niya lamang ang atensyon. "Up to you guys." Sagot ni Riyu habang nagtytype pa rin. Napatigil naman sa paghalungkat si April sa mga pinamili ni Ludifer at binaling sa amin ang atensyon niya. 

"Ano ganap?" Tanong niya sa amin, saglit tumahimik ang lahat pero di nagtagal nagingay din ang isa sa'min.

"Nood na tayo ng sine!" Ang aya ni Fate, bumitaw siya kay Ross at lumapit kay April. "Kami na bahala sa foods, pumila na kayo doon para bumili ng ticket!" Ang sabi ni Fate at yumakap pa sa braso ni April. Napatingin si April kay Fate at hindi malaman ang itsura niya ngayon. Napakunot noo si April, maya-maya at lumayo kay Fate. "HIndi ako sang-ayon sayo!" Ang malakas niyang sabi kay Fate.

Dahil walang makaisip kung ano ang gusto namin gawin pagkatapos ng lahat, nabuhay muli ang kagustuhan ni Fate na manood nga ng sine. Hindi ko maalala ang pinakita niyang palabas, basta hindi ako pamilyar sa genre o kahit sa direktor noon.

Napaatras si Fate at napataas ng kilay. "Hala bakit? sabi mo gusto mo rin panoorin yung movie na 'yon?" Ang di makapaniwalang tanong ni Fate. "Nagtitipid nga ako." Ang ulit ni April sa sinabi niya kanina. Nakailang ulit na ba siya? 

Bakit nga ba siya nagtitipid?

"Ako na bibili ng ticket ni April, basta babayaran mo ako sa susunod?" Ang suggest ni Trisha, napatingin naman sila kay Trisha at eto naman si April tuwang-tuwa, ngiting-ngiti abot kung saan ang ngiti niya- baka hanggang langit pa nga. "Sige!" 

She agreed without hesitation.

Pag eto hindi nagbayad kay Trisha, panigurado patay siya.

"Memsh! tara na bili na tayo foods!" Ang masiglang aya ni April kay Fate saka hinila ito palayo. Hindi ko alam saan sila bibili, baka sa supermarket na yata.

Pwede naman magpasok ng mga pagkain, basta wag lang siguro mga maamoy o grabe para sa sine. Baka may magdala ng isang full set meal galing ng Mang Inasal o kaya ng Wendy's, jusko naman, hinay-hinay lang, saka na kayo kumain ng ganon pagkatapos ng sine. Konting respeto sa mga walang laman ang pitaka.

Malapit na ako mamulubi.

"Akyat na tayo." Ang sabi ni Karl, Sinundan namin si Karl sa escalator pataas, pagkaapak namin ay biglang nagsalita si Ross. "Teka, sino magbabayad ng ticket ni Fate?" Tanong niya, lahat kami nagtinginan. 

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon