TWENTY FIVE

71 6 0
                                    



CHAPTER TWENTY FIVE | Dirty



Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, dahil biglang tumabi sa akin si Karl, iniiwasan ko siya dahil sa nangyari kagabi... ikaw ba naman matulala sa isang tao, tapos sabihan ka ng 'It's just a kiss'.

Like, what the fuck!

"Saiki! stop ignoring me!" Ang habol niya sa'kin palabas ng bahay at papunta sa pool area. "Uy, ano 'yan, lovers quarrel?" Nangaasar na singit bigla ni Ross at ng ibang mga kaibigan niya. 

"Cute niyo naman dalawa, sana kami rin ng hubby ko" I cringed. Kami ni Karl, cute? nako mas gusto ko pa ikasal sa shokoy, kaysa sa lalakeng 'yan!

"Don't make me puke, Aya." Ang sabi ko sa babae na nagsabi noon. Tumawa lang sila at syempre umalis na lang ako, dahil mangaasar lang ang mga 'yon. Habang lumalayo ako kay Karl, umikot ako sa pool area- as in inikot ko ang perimeter ng pool, not kidding. 

"How dare you!?" I stopped, agad na sumalubong sa akin si Ludifer at may hawak na baso sa isang kamay habang ang isang kamay niya ay nakakuyom at ang hintuturo lang ang nakalabas, pinagtututuro niya ako sa dibdib at kung ano-ano ang sinasabi na wala naman akong pakialam.

"How dare you take my baby away from me?!" Ang sigaw niya at akala mo naman talaga jowa niya si Karl. I rolled my eyes and pushed her out the way- mukhang napalakas ata ang tulak ko at nahulog siya sa pool... kung ano man yung laman ng baso na hawak niya ay ayon, humalo na sa pool.

"Sai?!" Ang gulat na tanong ni Karl. "Ugh! you're so dead Hirano!" Ang sigaw naman ni Ludifer sa akin dahil basang-basa siya. Mageexplain sana ako pero naisip ko na wag na lang, baka lumala lalo.

Hindi ko naman sinasadya na maitulak siya sa pool, nasaktuhan lang dahil kung saan siya nakatayo. Kung ano-ano pa kasi ang sinasabi non, wala naman ako kinalaman sa relasyon nila ni Karl- kung meron naman sila, diba?

Kumalat lang yung photo, walang ibig-sabihin 'yon.

Tumakbo na lang ako ng nakayuko papasok sa bahay at diretso sa kwarto namin. 

I locked the doors and grabbed my rosewood colored hoodie from the closet, I wore that and just plopped myself onto the bed and hiding under the covers- no, I don't regret what happened to Ludifer, and no, I'm not mad nor sad; I'm just tired with all the issues and whatnot.

Kung magkakalat kasi ng litrato, baka naman gusto nila na iklaro ang mga bagay-bagay. Walang namamagitan, walang malisya, sadyang pagod lang kami at magkaibigan kami. Napatigil ako sa pagiisip, nang may kumatok sa pinto. "Go away!" Ang angal ko, gusto ko lang mapag-isa sa ngayon... ang sama ng gising ko kanina dahil sa mga issue.

Sabi nila ginagamit lang daw ako ni Karl para tumaas ang grades niya- well, hindi naman sila mali pero... parang ang sakit naman non diba? 

Yung iba ang sabi, ginawa lang akong girlfriend ni Karl para daw sa katawan ko... like what the hell?! unang-una, walang kami, pangalawa virgin ako! puta naman!

Nakakakilabot naman isipin 'yon, ano ba ang pumasok sa mga isip nila para ganon ang sabihin sa likod namin?

Teenagers can be sick- utterly sick in the head some times.

Tapos eto naman si Ludifer, dumadagdag pa sa putanginang issue na 'yan, akala mo jowa niya si Karl, umaarte na akala mo inagawan ko ng asawa.

'Akin lang ang asawa ko-' Mood 'yan, girl?

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon