FORTY FOUR

31 5 0
                                    




CHAPTER FORTY FOUR | Love is Painful



"Saiki! bakit ka diyan natulog?" Bumangon ako at napatingin sa paligid, nasa bahay pa rin naman ako, pero wala ako sa kwarto ko.

"Mom?" Tanong ko, bumungad sa akin ang mukha niya, nakangisi pero halatang pagod ang mukha niya, umupo ako ng ayos at napatingin sa mga binti ko, may kumot na nakapatong sa akin at may unan sa ulonan ko. "Kakauwi mo lang, mom?" Tanong ko at tumango siya, sumulyap ako sa orasan na nakakabit sa pader at alas kwatro pa lang ng umaga- bakit naman ako nagising ng ganitong oras?

"Dapat kanina pa ako mga ala-una, kaso nakatulog ako sa break room namin, kaya ngayon lang nakauwi."

"Nak, gising ka na rin naman- magalmusal ka na at aalis tayo maya-maya mga five." Ang sabi ni mom sa akin habang tinutupi ang jacket niya, pumasok siya sa banyo at ako naman ay tumayo na para gumawa ng almusal ko... kakauwi lang ni mom aalis ulit? 

May importanteng lakad ba? hindi manlang makakapagpahinga si mom ng matagal sa bahay, kahit nakatulog siya sa ospital, syempre naman di sapat 'yon.

Inangat ko ang kamay ko sa bibig ko para takpan ito dahil napahikab ako, hmm... amoy noodles pa.

Bakit parang ang dami ko namang lakad ngayon? Ano ba ngayon? 

Saturday pa lang pala, bukas wala naman sigurong ganap at sa Monday saglit na dadaan kami sa school para lang ipasa yung huling essay na pinagawa sa amin, idadaan lang naman daw at pwede na kami umalis.

Ang mga papasok na lang sa Monday yung mga marami ang kulang at mukhang malabo-labo tumaas ang grades para makapasa, kasama sana si Ross pero nabawi dahil sa sports.

I yawned. 

Kumuha ako ng dalawang itlog sa fridge para lutuin na sunny side up, tig-isa kami ni mom.

"Mom, do you want coffee?" Ang tanong ko sa kanya at medyo malakas ang boses ko para rinig sa banyo, rinig ko naman ang sagot niya kaya kinuha ko ang tasa niya at naginit ng tubig. Habang nagluluto ako ng ulam namin ni mom ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko- kasalanan talaga ito ni Karl, kasi naman kung hindi ko siguro nakita si Belle hindi ako magiisip ng ganito.

Oo, may tiwala ako kay Karl, pero unti-unti itong nawawala dahil sa pakiramdam ko na wala siyang tiwala sa'kin.

Hindi ko naman kailangan malaman ang buong storya kung meron man, hindi ko kailangan malaman lahat ng bagay na nagmula sa nakaraan niya, dahil desisyon niya kung hindi niya sasabihin sa akin ang mga iyon- pero kahit papaano magsabi naman siya ng konti. 

Para man;ang magkaroon ako ng malay sa bagay-bagay. Hindi pa kami ganoon katagal na magkasama, saglit pa lamang pero ganito na ako sa kanya? 

Masiyado ba akong nanghihingi? masiyado ba akong nagmamadali?

"Sai, okay ka lang nak?" Tanong ni mom na nandito na pala sa tabi ko at kumukuha ng tinapay sa lalagyanan, napausog ako at nilipat ang lutong itlog sa plato saka ito kinuha at nilapag sa lamesa. Napatango na lang ako sa tanong ni mom, ayoko naman magsabi sa kanya ng mga ganitong bagay, baka mapaisip pa siya at magalala.

"Saan tayo pupunta mom?" Tanong ko, iniwasan ko ang tanong niya, dahil kahit ako ay hindi ko alam ang kalagayan ko sa ngayon. Tango na lang, oo na lang.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon