THREE

383 10 0
                                    




CHAPTER THREE | Under The Rain



"Ludifer, sabi ko sayo ikaw na nga mag report." Ang sabi ni April, halos kanina pa siya naiirita dahil sa ayaw makinig ni Ludifer- paano busy sa kakalandi dun sa isang lalaki.

"Ew no thanks, kayo na lang, tutal kayo din naman ang may alam eh." Ang sabi naman ni Ludifer. "Malamang kami lang ang may alam niyan, dahil kung sumama ka kahapon edi sana alam mo!" Ang sigaw ni April kay Ludifer.

I rolled my eyes, "Pwede bang manahimik kayong dalawa, hindi mo ba binigay sa kanya yung copy ng print outs?" Tanong ko kay April, tumango naman siya.

"Binigay ko pero di niya binasa yun." Ang sagot niya sa akin. "Bakit hindi mo binasa, alam mo naman na ikaw ang assigned na reporter ng group natin." Ang kalmadong sabi ko kay Ludifer.

Yes, kalmado pa ako, dahil kung iinit ang ulo ko mas lalong walang mangyayari dito at lalala lang.

"Tsk, bahala kayo diyan, pag di kayo nag report sasabihin ko kayo kay Ms. Iban." Ang biglang sabi sa amin ni Ludifer, Okay sandali lang hah- sabi ko kalmado lang ako kaso naman kasi nakakairita na talaga siya eh, kanina pa kami di magkasundo, kaunting oras na lang si Ms. Iban na ang next teacher namin.

"Fuck! mag rereport ka ba o hindi?!" Irita kong sagot, napatayo ako saka tinitigan siya ng masama, as in nanggigigil ako dito. Ilang oras na ba namin to pinaguusapan?

halos isang oras na din.

"Hindi syempre! sino ba nagsabing pwede moko utusan hah!" Sigaw niya sa akin saka ako inirapan. Anak ka ng nanay mo!

"Fine, sige, April ikaw ang mag report, at ako na ang magsasabi kay Ms. Iban na walang points si Ms. Limuel for this project." Ang final decision ko saka ako lumabas ng cafeteria at iwan sila.






"Hindi ka ba nakuntento?!" Napalingon ako sa narinig ko, saka ko nakita si Fate na umiiyak sa isang sulok kausap ang kanyang best friend- and boyfriend na si Ross.

I think I know what happened.

Lalapit na sana ako sa kanila nang pigilan ako ng isang nilalang sa likod ko nang hawakan niya ang aking kamay, nilingon ko ito at nakita ko yung lalaki sa park.

"Hayaan mo muna sila." Ang sabi niya.

"I'm sure di mo ako kilala right?" Tanong niya sabay ngisi, I rolled my eyes but nodded as a response. "Kaibigan ko yung lalaki, at syempre alam ko yung nangyari kaya sila nag aaway ngayon." Ang tanging paliwanag niya.

"So ikaw yung kinukwento sa akin ni Fate na kaibigan ni Ross." Ang sambit ko, napangisi pa siya lalo. "Yep, I guess that's me. Karl Niel Collins." Pakilala niya saka ako binitawan.

"Saiki Hirano." Balik ko sa kanya, nagbago naman bigla ang ekspresyon niya na para bang nagulat siya sa pangalan ko.

"You're that girl, alam mo bang ikaw ang topic ng karamihan dito ngayon?" Tanong niya at saka pinasok ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa.

"At ano naman iyon?" Lumapit ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

He chuckled. "Di mo pala alam?" Pang-asar niyang tanong sa akin, Napairap naman ako saka siya tiningnan ng masama.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon