TWELVE

114 9 0
                                    



CHAPTER TWELVE | With A Smile



"Sai! may aaminin ako sayo!" Ang sigaw sa'kin ni April, napalingon ako sa gawi niya at nakitang tumatakbo siya papalapit sa akin habang hawak-hawak ang binili niyang shake mula sa cafeteria.

Tumayo lang ako doon at hinintay siya na makalapit sa akin. "Oh, ano yun?" Ang tanong ko, bigla siyang natawa. "Alam mo ba pareho kami ni Trisha ng crush!" Ang masigla niyang sabi, natulala ako. Trisha? 

Si Trisha may crush? 

"Nananaginip ka ata." Ang biro ko, umirap siya at hinampas ang balikat ko. "Hindi ako nagbibiro Sai!" Ang sinabi niya at hinampas ako muli, I flinched.

"Oo na, sige na sino ba yan?" Ang tanong ko at nagsimulang maglakad patungo sa library dahil inutusan na naman ako ng isang professor ko na ibalik ang libro na hiniram niya para sa klase niya. Lazy teachers.

Sinabayan ako ni April sa paglalakad at napahinga siya ng malalim.

"Parehas kami ni Trisha na si Karl ang crush." Ang amin ni April- "Ano?!" Gulat ko na tanong at napatigil sa paglalakad, nilingon ko siya at napatulala sa kanya. Walang halong biro ang pagsabi niya sa akin pati na rin ang mukha niya.

Ako? Eto nanlalaki ang mga mata ko.  Wow. Ang daming nafafall sa lalaking yun, how does he do it?

I'm pretty sure, may narinig ako last time na may aamin daw kay Karl, ewan ko lang kung natuloy 'yon. Hindi ko makita sa kinabukasan ni Karl na may jowa siya- oh, baka mata ko lang 'yon. Malay ko.

"Sa totoo lang nagseselos ako sa inyo hah!" Ang medyo pabirong sabi niya, napairap naman ako. "Tigilan mo ako April." Ang sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Bakit naman siya magseselos sa'min? Una sa lahat, may kontrata kami, wala ibang relasyon na namamagitan sa aming dalawa. 

Me and Karl?

Just friends... I guess.

"Sai kung may gusto ka kay Karl sabihin mo lang, ipapaubaya ko naman siya sayo- ewan ko lang si Trisha." Ang todo asar niya pa sa akin- syempre tuwang-tuwa ang loko. Binangga niya ang balikat ko, kaya naman napatingin ako sa kaniya. Napangiti na pilit.

Pagpasok namin ng library ay saktong paglabas ng isang nilalang na hindi ko inaakalang makikita ko ngayon. 

"Trisha!" Ang bati ni April kay Trisha na may dalang mga libro at ang laptop niya. Ngumiti siya na pilit at umalis na. Tiningnan ako ni April at tiningnan ko rin siya. "Bad mood ata?" Tanong niya at nagtakip ng bibig at parang gulat na gulat sa naisip niya.

"Baka stress lang sa trabaho." I shrugged my shoulders. Who knows, maybe she is stressed, after all she has a work while in school.

Tuloy-tuloy kami ni April sa pagpasok ng library, habang si April naman kung ano-ano ang mga pinagsasabi-sabi. May conspiracy theory pa siya o kung ano man. Malay ko sa babae na ito, nakita lang na iba ang pagngiti ni Trisha at mukhang nagmamadali- may something na agad?

"Hindi kaya... nagseselos din, dahil nagoffer siya kay Karl na siya na lang ang tutulong sa kanya pero nireject siya para sayo?!" High pitched ang boses niya nang sabihin niya yun. Hindi ko ba alam kung nang aasar ba ito, oh nang-guguilt trip na.

"Bahala ka na dyan." Ang sabi ko at tuluyan na pumasok sa library para ibalik na ang mga libro na ito, may klase pa ako pagtapos nento.


A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon