TWENTY ONE

100 8 0
                                    



CHAPTER TWENTY ONE | Useful 



I sighed, I reached for Riyu's shoulder and he turned at the same time to look at me. "Sorry..." I apologized.

Walang natitirang bakante na kwarto, halos lahat puno na dahil dalawang section ang nag-sama sa isang bahay- hindi naman ito planado kaya ang hirap ayusin ng mga estudyante... iilan lang din ang mga kwarto.

"Sa atin na lang siya." Ang suggest ni Fate na sinabihan ko ng problema ni Riyu- hindi ko sinabihan si April at baka magwala pa yung babae na 'yon.

Napakamot ako bigla sa ulo. "What?" Tanong ni Riyu dahil hindi niya naintindihan ang sabi ni Fate. Napatawa ng marahan si Fate at hinayaan akong magsalita para sa kanya. "Oh, uh... you can stay in our room?" Ang hindi ko sigurado na sabi sa kanya.

He chuckled. "Aren't boys and girls separated?" He asked with a brow raised. Napabigay ang likod ko at napayuko ako. "Yeah... but we have no choice, do we?" Ang paliwanag ko.

Bigla niya akong hinawakan sa balikat. Napataas ang ulo ko at napatayo ako ng diretso. He smiled. "It's fine, I can sleep on the couch in the living room- besides, you girls need your privacy." Ang gentlemen ng sagot niya... nakakainis.

"Sana all iniisip ang privacy!" Agad na singgit ni Fate at magkadikit ang dalawang kamay na malapit sa pisngi niya. Napairap ako at napatawa lang siya.

"You know what? you're staying with me!" Ang agad ko na sabi na hindi nagiisip- Panigurado ay magsisisi ako nento mamaya...

Bahala na, kaysa naman sa sala siya matulog.

Hinila ko si Riyu sa second floor habang dala na niya ang mga gamit niya na pinalagay niya lang kanina sa kwarto nila Karl. "Honestly, this is a pain in the ass." I confessed to which Riyu just laughed at my reaction.

"I'm sorry." Ang natatawa niyang paghingi ng tawad. Pagpasok namin ng kwarto ay nandoon si April tulog, habang si Trisha ay may ginagawa sa laptop niya. "Dito muna matutulog si Riyu." Ang paalam ko kay Trisha. 

"Ayos lang naman 'yon diba, Trish?" Tanong ni Fate na kakapasok lang ng kwarto na nakasunod pala sa amin. Nilingon naman agad kami ni Trish at tinigil muna ang ginagawa niya. Tinitigan niyang maigi si Riyu saka ngumiti. "Yeah, ayos lang. Make yourself comfortable bro." Ang bati niya kay Riyu.

"Thanks," Pasasalamat niya kay Trish, saka ito bumalik sa kung ano man ang kanyang ginagawa sa laptop niya. Agad ko naman kinuha ang isang bag na malaki ni Riyu at ilalagay sana sa closet kung saan ang mga gamit namin, pero pinigilan niya ako nang hawakan niya ang kamay ko.

Nilingon ko siya at nagsisi ako bigla sa paglingon ko- His face is too close for comfort!

"Y-Yes?" Nauutal ko na tanong. He eyed his bag and raised both eyebrows. "Where are you taking my stuff?" He asked with a low growl- mukhang protective sa gamit ah.

"I was gonna keep it safe with our stuff in there." Ang sabay ko na turo sa malaking closet kung saan nga namin itinabi ang mga bag namin. Tinitigan ko siya at ganoon din siya sa akin. Nagdadalawang isip siya pero binitawan din ako at tumango-tango.

"Sorry." Tumango na lang ako at pumunta sa tapat ng closet saka ito binuksan, Nilagay ko ang bag ni Riyu katabi ng akin at sinigurado na hindi ito malalaglag o magagalaw pag kinuha ko ang gamit ko at pagtapos ay sinarado ang closet.

Paglingon ko ay may ginagawa si Fate sa phone niya- baka ka-text ang jowa -habang si Riyu naman ay inunahan na ako sa sofa, nakahiga siya at nakatakip ang mukha ng unan.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon