FOURTEEN

153 5 0
                                    



CHAPTER FOURTEEN | Let's Rest



"Move!" Ang sigaw ko kay Karl na nakaharang sa pinto, ihing-ihi na ako pero heto siya nangaasar pa. Kanina pa ako bwiset na bwiset sa lalakeng 'to, konti na lang sasabog na ulo ko at masasapak ko na 'to.

"Ayoko, sagutin mo muna tanong ko." Ang sabi niya sa akin at lalong humarang sa pinto- "Dito ako maiihi pag hindi ka lumayas dyan!" Ang sigaw ko muli, pumipiyok na boses ko sa sakit ko.

He shrugged. "It's fine kwarto mo naman ito hindi naman sa akin." Ang asar niya saka tumawa. Inipon ko lahat ng lakas na kaya ko at tinulak siya- lumapat ang mga kamay ko sa magkabila niyang braso para maalis ito sa paghawak sa magkabilang gilid ng pinto. Naalis siya sa pagkakaharang sa pinto pero hindi ganun kalakas pagkatulak ko. Lumusot ako sa gilid at dumiretso ng banyo.

"Alam mo Sai wag ka na pakipot pa, kailangan mo lang naman sabihin sa'kin kung kailangan mo ng tulong." Ang mahina niyang sabi na medyo nangaasar.

"Shut up!" Ang irita kong sabi sa kanya at lumabas ng banyo pagtapos umihi, magbuhos at maghugas ng kamay.

Napakamot siya sa ulo. "Pagkatapos ng sakit mo kailangan mo na ako turuan nung sa Science ah!" Ang masigla niyang sabi at sinundan ako sa kwarto ko. Napairap ako at umupo sa kama ko. May sakit na ng ako- pakiramdam ko para akong mahihimatay sa nauubos ko na lakas, eh, ang pagaaral pa niya ang iniisip niya.

Kung sinimulan niya habang nandito siya- hindi naman ako ganoon kaalagain -edi sana may natapos na siya kahit papaano.

"Kunin mo yung mga libro ko... simulan na natin ngayon." Ang sabi ko, napadilat siya at napatitig sa akin na akala mo may multo sa likod ko. "But you need to rest." Ang tanggi niya, umiling ako. 

"Nakapahinga na ako, walang mangyayari sa condition ko kung hindi ako gagalaw." Ang paliwanag ko at kusang tumayo para kunin ang mga libro ko sa bag. Biglang lumapit sa akin si Karl at tinulungan niya ako bitbitin sa kama angmga libro at notebooks ko.

"Stubborn as always." Ang natatawa niyang sabi at umupo sa tabi ko. "Tell me what you don't understand exactly." Ang sabi ko at kinuha niya naman ang Science ko na libro, binuklat niya ito at tumigil sa isang pahina na puro equations. Chemical mixtures, solutions after solutions for every problem with mixing chemicals, and possibly a creation of doom for my sick individual.

Napakamot ako sa braso ko, "Sige simulan na natin- makinig ka mabuti dahil ayoko ng paulit-ulit" Ang madiin kong sabi sa kanya at tumango naman siya. Good.






Dahan-dahan ko minulat mga mata ko at nakita si Karl sa may pinto ko, tumingin ako sa bintana at nakita ko ang buwan na nasa taas. "Okay lang po yun, I'm glad to help." Ang rinig kong sabi ni Karl- Nilingon ko siya uli at kausap niya pala si mom na kakauwi lang.

"How should I repay your kindness?" Tanong ni mom, umiling si Karl. "Wag na po ayos lang naman ako, una na po ako." Ang paalam niya, nilingon niya ako at napangiti siya nang makita niyang gising na ako.

"Uwi na ako Sai, bukas na lang ulit siguro." Ang paalam niya sa akin, lumapit siya at nagiwan ng halik sa noo ko. Napapikit ako at tumango na lang.

"Alam mo anak, ang sweet niya." Ang biglang mulat ko sa boses ni mom. "Ma!" Sabi ko at umupo sa kama ko at sumandal sa pader. "Okay ka na ba?" Tanong sa'kin ni mom at nilapat ang kamay niya sa noo ko.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon