FORTY FIVE

37 4 0
                                    




CHAPTER FORTY FIVE | You're Mine



"Anak, saan ka galing?" Ang alalang tanong sa akin ni mom, kakapasok ko pa lang ng bahay at nandito si Riyu kasama kaibigan niya na babae. 

"Kasama ko si Karl kanina, mom." Ang sagot ko kay mom habang nakayuko. Nilagpasan ko ang sala kung saan nakatambay sila Riyu, sa oras na ito- malapit na bumigay ang mga luha ko kaya't mas gugustuhin ko maging masungit kaysa umiyak sa harap nila. "A-Akyat muna ako, mom." Ang paalam ko. Munting huni na pagsang-ayon ang lumabas sa bibig ni mom.

Napalunok ako habang umaakyat ng hagdan, pilit ko pinipgil ang mga luha ko.

Pagpasok ko sa kwarto ang una ko hinanap ay ang clear vase ko na may bulaklak, ang bulaklak na galing kay Riyu. 

It works, the flower he gave me calms me down. Allowing me to think of positive things, memories of old that still shine like gems under the light. I smile faintly as I stare at this flower.

Hanggang ngayon buhay pa yung bulaklak at inaalagaan ko pa rin, hanggang ngayon nasa akin at nasa kwarto ko pa rin, kahit kailan hindi ko ito tinapon nilipat ng pwesto, sa ibang kwarto man o sa baba.

Pakiramdam ko si Riyu yung kumakalma sa akin- 

At least the thoughts he parted with when he gave me the flower.

Tatayo na sana ako, pero natigilan ako nung may marinig akong mga tawanan, rinig ko ang tawa ni mom, Riyu at nung kasama ni Riyu sa baba. Sana nakakatawa rin ako kasama sila, nakakainggit naman, nakakaselos...

Ang saya-saya ni Riyu, tapos yung bulaklak na binigay niya kakaiba ang pakiramdam.

Nanatili akong nakaupo sa kama at maya-maya ay hinayaan na bumagsak ang sarili ko sa kama, heto nakahilata lang, pakiramdam ko sasabog na naman ang puso ko sa nararamdaman ko. Over-reacting lang talaga ako, kung ano-ano ang naiisip ko, kung ano-ano ang nasasabi ko, hindi naman talaga ganito ang pagmamahal diba? Bakit parang ang gulo? Ako ba ang magulo?

Hindi ako sanay sa ganito, hindi ako sanay sa maproblemang pagmamahalan- iba-iba na lang ang nakikita ko at naaalala ko. Nakakainis na.

"Hay nako!" Ang inis ko na sabi at biglaang tumayo mula sa kama, kay bagal ko hinila ang mga paa ko papunta sa pinto, pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko, pakiramdam ko ang bigat din ng puso ko, lahat na lang mabigat, pati mga luha ko ang bigat pero hanggang ngayon hindi pa rin ito tumutulo.

Bwiset naman!

Paghawak ko sa pinto nagdadalawang isip pa ako kung gusto ko lumabas, hindi ko alam kung mahaharap ko ba ang mukha ko sa kanila, alam ko naman na mukha akong zombie- mukha akong kulang sa tulog kahit hindi naman, itsura ko parang nalulong sa droga pero sa katawan akala mo nagstress eating.

Ewan ko ba, heto na naman ako inaaway ang sarili ko. Napabuntong hininga ako at binuksan na lang ang pinto.

Nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin. "Hey..." Bati niya sabay kamot sa batok, anong ginagawa mo rito? bakit ka nandito?

Mga gusto ko itanong, pero-

Napayuko ako kaagad upang iwasan ang tingin niya at para hindi niya makita ang itsura ko na parang ewan. Panigurado namumula ang mata, dahil gusto na umiyak, pero ayaw ilabas ng mga mata ko ang luha. Nanatili ang kamay ko sa doorknob at nanatili rin akong nakatayo sa daanan habang siya ay nasa harapan ko.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon