THIRTY TWO

53 5 0
                                    




CHAPTER THIRTY TWO | She Misses You



Alas-dose ng tanghali, kakagaling ko lang sa clinic, dahil sabi ni mom magpatingin daw ako at baka may nabali ako na buto- wala naman, salamat sa nilalang sa taas. Nakakalakad na ulit ako ng maayos, dahil sprain lang naman ito.

Di naman malala, sadyang alalang-alala lang si mom sa'kin. Si Riyu na nga pala ang kumukuha ng mga gawain ko sa school hindi na sila April. He volunteered. 

"Saiki! sabi ko umupo ka lang dyan sa tabi ni Riyu, ako na ang bahala dito." Ang sabi ni mom habang pinapaalis ako. "Dalian mo na at samahan mo doon si Riyu, tulungan mo na rin sa homework niya." Ang sabi ni mom sa'kin at akmang ihahagis ang spatula sa gawi ko.

Mom naman, wag mapanakit-

Natawa na lang ako at bumalik sa sala, kita ko naman si Riyu na seryosong nagbabasa ng kung ano man 'yon. "Hey, what's that?" Tanong ko, umusog ako papalapit sa kanya na nagtama ang aming balikat. 

He looked at me with a bored look. "I need to write an essay for this,"  Ang sabi niya sabay balik ng tingin sa libro na hawak niya. 

I tilted my head to the side and suddenly grabbed the book out of his hands. 

"Hey!" Ang reklamo niya, ngumisi ako at bahagyang nilayo ang libro. "Let me help you," Ang sabi ko habang nililipat ang pahina ng libro. Hindi na umimik si Riyu at hinayaan ako na magbasa. Saglit ko binitawan ng tingin ang libro saka kumuha ng papel at ballpen mula sa lamesa- galing sa mga gamit ni Riyu.

"What are you gonna do?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin na gulong-gulo. "Taking down notes, what else?" Ang sagot ko, napatango na lamang siya at kumuha ng malinis na bond paper saka ballpen. Saglit akong napasulyap sa sinusulat niya.

Nilapit ko ang sarili ko sa kanya, pinatong ang baba ko sa balikat niya para makasilip sa ginagawa niya. "What's that for?" Tanong ko, bago ko pa ma-realize ang sinusulat niya ay sumagot na siya. "For the Tagalog language I'm taking." Saglit akong napatitig sa sulat niya.

An essay but in Tagalog, glad to see he's improving...

I wonder, sinong teacher ang in charge sa class na 'yon, o baka naman naka private tutor siya at hindi ko lang alam?

Hinayaan ko na at napailing saka bumalik sa pagbabasa para matulungan ko si Riyu dito.






Alas-syete na ng gabi.

Pagkatapos ko tulungan si Riyu sa essay niya ay tinulungan ko rin siya sa Tagalog niya, pagtapos naman ng mga 'yon, kumain kami ng lunch kasama si mom. Pagkatapos ng lahat-lahat agad akong pinagpahinga ni mom, ako sana ang maghuhugas ng plato kaso inunahan na ako ni mom at pinaakyat sa kwarto ko.

Eto, kakagising ko lang, napasarap ata ang tulog ko at anong oras na oh.

Ah, nakalipas na ang tatlong araw nang mag-chat sa'kin si Karl, hanggang ngayon wala pa rin siyang reply sa'kin- hindi naman ako naghihintay, ako nga ang walang reply sa kanya, teka-

Ngayon nga pala plano ko na pumunta sa playground para magkita kami, kaya iiwanan ko siya ng chat, mabasa man niya o hindi, anong oras na rin naman, malapit na magalas-otso.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon