THIRTY ONE

53 6 0
                                    




CHAPTER THIRTY ONE | Playground



"Introductions are over-" Ang excited na sabi ni Klarissa, Hawak niya ang isang walang laman na bote, mukhang mamahalin na wine. "Let's start!" Nilapag niya yung bote sa gitna ng circle saka ito pinaikot. Pinagmasdan ko mabuti ang bote at hinintay na huminto ito sa kung kanino.

"Oh! Medina you're up!" Ang pagtawag ni Klarissa sa isang lalaki na tinapatan ng bote. "Truth or Dare, Medina?" She asked waving her hand around catching his attention. The guy- Medina looked up and thought for a moment.

"Dare agad." He said in a monotone voice. Tumayo siya at hinintay ang utos sa kanya ni Klarissa. "Alright! I dare you to get a pitcher of water with ice and pour it on your head!" Ang utos ni Klarissa, agad naman nagulat si April na nasa tabi ko at tumingin sa akin.

"Oh my gosh, high level siya memsh!" Ang bulong niya sa akin. "Tangina, kaibigan mo hindi mo alam?" Napamulat ako sa reaksyon ni April at nanlaki pa mga mata ko. She giggled and slapped my shoulder. 

Bigla kaming may narinig na buhos ng tubig saka tumama sa lapag na nakatiles na yayamanin. Napaangat kaming lahat at nakitang ginawa na ni Medina ang dare. "Ang lamig niyan!" Ang alalang sigaw ng isang kasama namin dito. "Dare devils ang mga nagaaral sa school namin!" Ang pagmayabang ng babae na katabi ni April.

Agad naman akong napairap. Ano tingin mo sa amin? duwag?

Malapit na kaming magcollege, pero ang mga salita ng mga ito, parang nasa junior high pa- dare devils my ass.

"Onto the next victim!" Ang masiglang sigaw ni Klarissa, mukhang tuwang-tuwa sa ginawa ni Medina. Halata naman na sanay sila sa ganitong mga pakulo, iba ang saya nila sa buhay. Umupo muli si Medina at pinaikot na ang bote habang hinagisan siya ng towel ni Klarissa para patuyuin ang buhok.

Pinagmasdan ko muli ang bote at sana ay wag muna ako. Sa totoo lang marami ang tumanggi na maglaro nito, pero dahil nakakahiya, sumama na kami- syempre pilit. 

"Sis!" Sigaw ni Klarissa kay April na napatalon ng konti sa gulat. Agad niyang tinitigan ang bote at nakitang sa kanya nakatutok ito. swerte nga naman ako ngayon. "Truth or dare... April was it?" Ang tanong ni Medina. Tumango-tango si April at sumagot. "Truth!" Sigaw niya.

She seems confident, maybe because it won't be something too intense, such as the pitcher dare.

Nagingay ang mga kasama namin diti- 'aww' o 'boo' ang mga lumabas sa kanilang bibig, halatang hindi sang-ayon sa pinili ni April, syempre nga naman mas gugustuhin nila ang 'exciting or over the top'. 

They expected that April would take a dare, knowing April she'll take three truths and the rest are dares. "Out of all the people here today, who would you pick?" Ang tanong ni Medina habang nakangisi. Hindi ko alam kung confident na siya ang pipiliin ni April o natutuwa lang siya?

Parang kanina hindi mo masasabi na ngingiti o ngingisi ang lalake na ito, pero ayan, nakangisi habang iniintay ang sagot ni April.

Napalibot ang tingin ni April sa aming lahat, at magsasalita na siya sana pero lumihis ang tingin niya at nakapokus sa iisang tao. Si Ariello. "Si Jonethan!" Ang nakangiti niyang sagot, actually nandito si Ludifer, katabi pa nga si Ariello, kaya eto nagpapapansin kay Ariello ang loka- dahil nga sa walang kwenta nilang pustahan.

"H-Hah? ako?" Ang di makapaniwalang tanong ni Ariello. 

I rolled my eyes as April spun the bottle. "Magdasal ka na, sana hindi ikaw." Ang bulong sa'kin ni April. Sinundan ko ang pagikot ng bote at hinintay kung kanino ito tatapat. "Karl!" Ang sigaw ni April nang tumigil ang bote at nakatapat ito kay Karl. 

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon