John MaxWade' s POV
1 WEEK LATER
Ngayong araw na ito ang aming pangalawang semestre bilang first year college dito pa rin sa Cabs sa kursong BS Architecture. Ngayong araw din ay mayroon lamang kaming dalawang subject na aming tatalakayin. Napaka bilis ng araw, pawang kailan lamang kami nasa unang semestre at ngayon ay nasa pangalawa na. Pero ayos lamang ang lahat ng ito sa akin dahil tuloy-tuloy ang aming pamumuhay bilang mapayapang mamamayan o 'di kaya ay estudyante. At masaya ako dahil lahat ng aming mga naging kaklase ay may mabubuting kalooban.
"Dadalhin mo ba John MaxZien ang kotse mo?" Tanong ni Ate Susan
"Oho!" Sagot niya habang inaayos ayos ang bag pack niyang dala-dala.
"Oh s'ya sige at mag-iingat kayong dalawa sa inyong pagmamaneho."
"Sige ho Ate Susan!.. Pasabi na lang ho kina Mama na umalis na kami." Sabi ko sa kanya
Tumango s'ya sa akin at sumakay na din si John MaxZien sa kanyang kotse, habang ako naman ay nasa loob na't hinihintay siya upang sabay kaming pumasok sa School. Na una s'yang lumabas sa akin at kasunod naman niya ako. Chill lamang ang aming pagmamaneho at walang traffic kami na nakikita, kaya naman madali kaming nakarating sa parking lot ng CIS. Nang bigla naman tumunog ang cellphone ko at si Averie ang tumatawag. Tumingin ako kay John MaxZien at tamang nagpupunas siya ng kanyang sasakyan.
Sweetie Averie.... Calling....
Sweetie: Good Morning Sweetiiieeeeee!
Me: Good Morning! May klase na ba kayo?
Sweetie: Maya-maya pang ten ang klase namin at isang subject lang naman kami ngayon. Magkita tayo sa canteen mamaya.
Me: Okay! Anong ginagawa mo?
Sweetie: Nag-aayos ng gamit ko habang kausap ka
Me: Naka kain ka na ba?
Sweetie: Hindi pa, tatapusin ko lang ito at ako'y kakain na, diretsong shower.
Me: Okay. 'Wag kang magpapalipas.
Sweetie: Oo naman Sweetie ko. Ikaw din
Me: Sige na. Tapos na si John MaxZien magpunas ng kotse niya, papasok na kami sa loob.
Sweetie: Sigeeeee. I love you!
Me: I love you too
Sweetie: Mwuah mwuah!
Me: Lagot ka sa akin mamaya.
Sweetie: Bleh! bleh! bleh! bleh!
Me: Hahahaha Sige na, Bye!
Sweetie: Bye!
Bumaba ako ng aking sasakyan at lumapit siya sa akin. "Tapos na kayong mag-usap ng Sweetie Sweetie mo?"
Tsk! Nang-aasar nanaman s'ya!
"Oo!" Asik ko sa kanya "paano mo nalaman na tumawag?"
Tinaasan niya ako ng kanyang kaliwang kilay "Nakababa kasi ang bintana mo, kaya narinig ko.." aniya "Hindi na kita aasarin, 'tara na sa loob" sabay talikod sa akin at naglakad ng deretso.
Lumapit ako sa kanya at sumabay sa kanyang paglalakad. Panay ang tinginan ng mga kalalakihan sa kanya, pero hindi man lang niya ito iniintindi. Pagdating namin sa room ay saktong dumating na din ang Professor namin na si Mr. Sizar.