John Wendel's POV
1 WEEK LATER
Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon, sobrang saya ko. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako, dahil hindi ako makapaniwala na buntis na nga si Babe at manganganak na siya. Kahit na ilang b'wan na ang ang nakalipas ay hindi pa rin ako makapaniwala. Noong una ay hindi kami sigurado kung buntis nga ba s'ya o hindi, dahil hindi siya kahit kailan gumamit ng Pregnancy Test. At saka pagkalipas lamang ng isang b'wan ay saka namin siya dinala sa Ospital, dahil lumalaki na ng kaonti ang kanyang tiyan, at doon namin nakumperma na buntis talaga siya. Hanggang sa buwanan na namin siyang ipinasuri at ngayong buwan na ito ang paglabas ng aming anak.
Ngayon ay sama-sama pa rin kami dito sa bahay nina Babe. Dito na din muna nananatili sina John MaxWade at Averie, dahil sa kanilang anak na si MaxZed Avry para sa kaligtasan nito. At ngayong gabi ay nagkaroon kami ng munting salo-salo, kasama ang pamilya Lat.
"Sa akin na muna 'yang si Zed." Sabi ko habang kumakain pa sila, dahil kakatapos ko lamang kumain. At si Babe naman ay nasa k'warto namin, gayun nagpapahinga't kakatapos lang din niyang mag-dinner.
Tumingin sa akin si John MaxWade "Huwag na... Paiiyakin mo lang."
Natawa naman ako sa kanyang sagot "Naku!... Hindi iyan basta-basta iiyak, nakasunod ang pangalan kay Babe e... Matapang din 'yan."
"Ako na ang bahala kay Zed, Wendel..." Sabat ni Ate Susan. "Manood ka na lang ng TV"
Magpapaiyak ba talaga ako ng bata? Hehehehe
"By the way.." Singit ni Tatay Wade habang nakasuyod ang paningin kay John MaxCollin. "Kumusta nga pala ang meeting n'yo kanina sa School, MaxCollin?"
"They don't know yet kung itutuloy pa ang tour namin sa Italy, dahil sobrang layo nito at sobrang mahal ng gastos." Seryosong sagot nito.
Tumingin naman sa akin si Tita Jan Ace. "Kung sakaling matutuloy, pinayagan ba nina Faye si Jane Wendy?"
"Ang alam ko po ay hindi siya pinayagan, kahit matutuloy pa iyon." Sagot ko at tumingin ako kay John MaxCollin. "Ikaw ba, sasama ka kapag natuloy?"
Nagkibat balikat siya. "Maybe.. Siguro, hindi na lang."
Habang ako'y nakikipagkwentuhan sa kanila ay may bigla naman kumalabog nang malakas mula sa itaas at sabay sigaw ng boses ng asawa ko. Agad akong tumayo at nagtatakbong pataas kasunod ko sina Tatay Wade. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad siya sa amin na nakaupo sa may sahig na hindi magkaintindihan ang gagawin, dahil lumalabas na ang mga tubig mula sa sinapupunan niya.
Gago! Manganganak na s'ya!
Lumapit agad ako sa kanya "Dadalhin ka na namin sa Hospital!." Aligagang imik ko
"Kingna!! Ang sakit!!!" Sigaw niyang namamawis at namumutlang labi.
"Anak kayanin mo!." Sabi ni Tatay Wade sa kanya at tumango-tango naman s'ya sa kanyang ama.
Binuhat naman agad namin siya papalabas ng k'warto at nakita ko naman na nakahanda na si Mama Jan Ace sa may baba na hinihintay kami. Gayun hawak-hawak na niya ang susi ng kanilang sasakyan. Pagkababa namin ay dumiretso agad kami sa may labas papuntang sasakyan. Saka namin siya inihiga sa may likod at pagkasakay ko ay ipinatong ko ang ulo niya sa aking hita, habang si Mama Jan Ace naman ang nagmamaneho at ang nasa kanyang tabi sa unahan ay si Tatay.
Pinunasan ko ang noo ni Babe at kitang-kita ko sa kanyang hitsura ang kanyang pagtitiis sa sakit. "Babe, 'wag mo munang ilalabas dito ang Baby natin... Kaya mo 'yan.. Mahal na mahal ko kayong dalawa."