CHAPTER 74

19 3 41
                                    

Lumipas ang limang araw at wala pa rin akong panibagong nahahagap na balita tungkol sa kanya. Lagi kong hinihintay ang tawag at message niya sa akin na nagbabakasaling gawin niya iyon, at hindi ako nagsasawang maghintay sa kanya. Lagi rin akong nakikibalita sa kanila, kina John MaxCollin, pero wala pa rin din silang alam sa nangyayari doon sa ngayon. Patuloy pa rin akong umaasa sa kabila ng lahat ng mga nangyari. At higit sa lahat ay hindi nawawala ang tiwala ko sa kanya, dahil lagi niyang pinapaalala sa akin na magtiwala lamang ako sa kanya.

Sa t'wing umaga, tuwing gumigising ako'y cellphone ko agad ang hanap ko, upang padalhan siya ng voice message. Kahit na dito sa Pilipinas ay umaga at doon ay gabi, umaga pa rin ang pagbati ko sa kanya. Para malaman niya na laging siya lamang ang hinahanap-hanap ko pagkagising ko at higit din sa lahat ay ang ating Panginoon.

To: Babe John MaxZien
"Hi Babe! Kumusta ka na? Gising ka na ba? Wala pa ulit akong balita sa'yo. 'Wag mong kalilimutan na mahal na mahal kita. Maghihintay ako sa iyo. I love you and I miss you so much! Ito, kakantahan na lamang kita at chorus na lang dahil hindi ko alam ang simula hehehehe"

I miss you like crazy,
Even more than words can says,
I miss you like crazy,
Every minute of every day.
Girl I'm so down
when your love is not around.
I miss you, I miss you, I miss you,
I miss you like crazy.

You are all that I want.
You are all that I need.
Can't you see how I feel?
Can't you see that my pain is so real?
When I think of you,
I don't know what to do,
When will I see you again?

Sa pagkanta kong ito ay muling bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko pa rin mapigilan ang mapaiyak at masaktan. Dahil hindi ko alam kung magkikita pa ba kami o hindi na, papansinin pa ba ako o hindi na. Ang daming tumatakbo sa isipan ko at hindi ko na alam ang gagawin ko kundi ang maghintay, at ang magtiwala.

I miss you like crazy,
Even more than words can says,
I miss you like crazy,
Every minute of every day.
Girl I'm so down
when your love is not around.
I miss you, I miss you, I miss you,
I miss you like crazy.

"Babe! I love you!..." Imik kong umiiyak. "Maghihintay ako at nagtitiwala."

Pinunasan ko ang aking luha at bumaba ng kama, at dumiretso ng banyo. Saka ako kumain ng umagahan ng mag-isa. Pagkakatapos ko laging kumain ng umagahan ay pumupunta ako sa kanilang bahay para makipaglaro kay John MaxCollin. Ngayon, pagkarating ko sa kanila ay nadatnan ko doon ang pamilya nina Tita Cee Jane, Tita Ashie, at Tito Max Jr.

"Oh Wendel!" Bati sa akin ni Averie Bailey .

Bumati ako sa kanilang lahat at saka ko inabot ang dala kong mga pagkain.

"Ma-upo ka.." Sabi ni Tito Bry na nakaupo sa isang malambot na upuan na pang-isahan. "Salamat sa dala mong mga pagkain."

Ngumiti ako sa kanya "Para sa inyong lahat po talaga iyan."

"You're here again." Biglang imik ni John MaxCollin na bumababa ng hagdanan at lumapit siya sa akin.

Ginulo ko naman ang buhok niya. "Yes naman at hinding-hindi ako magsasawang pumunta dito araw-araw."

Lumapit sa akin si Averie Bailey "Kumusta ka?" Tanong niya.

"Walang pagbabago.." sagot ko "May balita na ba kay John MaxZien?"

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon