CHAPTER 93 (THE END PART 1- LOVE IN SIARGAO)

15 3 91
                                    

Averie Bailey's POV

Pagkaakyat ko sa aming room ni Bii ay agad kong binuksan ang aircon at humiga sa kama. Hindi ko alam kung ano'ng mahiwaga ang nasa loob ng katawan ko kung bakit ako nagkakaganito ang pakiramdam ko ngayon. Parang may hindi maipaliwanag, pero noong mga nag daang mga araw naman ay ayos lang ako. Hindi ako lambutin, hindi ako antukin, hindi ako matakaw, hindi ako masyadong magagalitin, at higit sa lahat hindi ako masyadong mairita sa lahat ng bagay. At ngayon ay muling nakakaramdam ako nang pagkaantok, kahit na kakagising ko lang at sobrang na iinis ako ngayon, at hindi ko alam kung bakit.

Ano'ng sumanib sa katawan mo Averiana!!!

Laking gulat ko nang biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Bii "Nakahiga ka na agad.." Sabi niya, diretsong bukas ng kanyang maleta "Maya-maya ay may dinner date tayong dalawa."

Nagtaka naman ako sa kanya "Ano naman kung nakahiga ako?... Ano'ng naisipan mo't magdi-dinner date tayo?"

"Wala lang... Sa ganda ng lugar na ito, dapat kailangan nang ganoon na celebration."

Sabagay, may point s'ya.

Tumingala ako at pinagkatitigan ang napakagandang ceiling. "Sige... pero wala akong maisusuot na dress."

"Huwag kang mag-alala... may dress na ibibigay sa'yo si John MaxZien."

"At alam niya na may dinner date tayo?"

"Hmm."

Natawa naman ako "Akalain mo nga naman ang John MaxZien na mayabang... kasal na sa isang iyakin."

"Well... Meant to be talaga sila." Sagot niya at lumapit siya sa akin "Bumangon ka na at mag-ayos... ipapadala ko dito kay John MaxZien ang dress mo."

Napanguso ako't napakunot ang noo sa sobrang kong pagka-irita "Ang hirap maging himatlugin... Biiiii!"

Nagsalubong naman ang kanyang kilay na mukhang nagtataka. "Himatlugin?"

Hindi nga pala nila alam ang ganoon na word.... Parang hindi mga taga Batangas! Sabagay, narinig ko lang din naman 'yun kay Lolo Jay hehehehehe

"Wala!..." Tawang sagot ko sa kanya "Lambutin ang ibig-sabihin ng word na iyon."

Tumango-tango s'ya"Okay... Let's take a bath together." Aniya

"No!" Kunot na noo kong sagot sa kanya "Ako muna." Sabay tayo ko sa kama at kinuha ko sa maleta ang mga kakailanganin ko. "Ipadala mo na kay John MaxZien 'yung dress."

"Okay."

Habang kausap niya sa telepono si John MaxZien ay pumasok na ako ng banyo. Napakaganda ng CR na ito, bukod sa pangsinauna ang style at mala spanish ang mga design nito, marami silang Shower Gel na nakahanda. Dahil iyon ang gusto ko kapag pumupunta ako sa isang Hotel.

Tirador ng Shower Gel Hahahaha

Bigla naman akong nakaramdam nang pagkahilo at napakapit ako sa may lavatory. Kakaiba ang hilo kong nararamdaman, para bang nasusuka ako. Pero wala namang lumalabas na suka mula sa aking bibig. Hanggang sa nawala ang liyo ko at agaran akong tumayo para mag shower nang mabilisan.

"What is really happening to me?" Mahinang imik ko. "Hayss! Low blood yata ako."

Hanggang sa kinatok ako ni Bii at inabot niya sa akin ang dress kong isusuot. Napakaganda niyon dahil kumikinang-kinang kapag natatamaan ng liwanag, gayun color black pa ito. Dagli kong isinuot at tamang-tamang laang sa akin, gayundin bagay na bagay ito sa akin. Lumabas ako ng banyo na suot-suot ito at tumambad naman agad sa akin si Bii.

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon