CHAPTER 88

16 3 53
                                    

WARNING! MATURED SCENE AND EFFECTS!

John MaxZien's POV

Simula pa lang pagkarating namin dito ni Kuya ay panay na ang tinginan sa akin ng mga kalalakihan. Hindi ko alam kung ano'ng mayroon sa akin, kahit na maayos ang aking suot at walang kabastos-bastos ay panay pa rin ang tinginan nila sa akin. Gayundin, naririnig ko ang lahat ng kanilang pinag-uusapan at pulos pangalan ko ang aking narinig. Gayun pa man ay binabalewala ko na lamang iyon at sinasanay ang aking sarili sa ganitong sitwasyon na pinagtitinginan ng lahat. At wala akong magagawa kung nagagandahan man sila sa akin o hindi.

It's a beautiful feeling
What we got deep inside
We got a flame that will last forever
Together you and I

Tumunog ang isang tugtugin na minsan nang pinapakinggan ni Tatay. Tumayo siya at inilahad ang kanyang kamay kay Averie Bailey na walang ginawa kundi ang mag-picture ng kanyang mukha. Sabay silang nagpunta sa unahan at doon nagsayaw kasama ang karamihan.

"'Tara din Babe sumayaw!" Aya sa akin ni Wendel at tinitigan ko lamang siya.

"Hi John MaxZien!" Biglang tawag sa akin ng isang lalaking nakatayo sa aking tabi. Humarap ako sa kanya at tiningnan nang deretso. "Maaari ba kitang maisayaw?"

"Ang lakas ng loob mo Kaydee!!" Sigaw ng isang lalaki na kanyang kasamahan. "Paalam ka rin sa jowa niya!" Dagdag pa nito.

"Hindi ako nakikipagsayaw kung kani-kanino.." Deretso kong sagot at nawala ang kanyang mga ngiti sa labi. "Tanging sa aking ama, kapatid at boyfriend ko lang ako nakikipagsayaw."

Napakamot siya sa kanyang ulo at umalingawngaw ang hiyawan ng kanyang kasamahan. "Minsan lang naman e.. Sa g'wapo kong 'to, ikaw lang ang nag-reject sa akin."

"Wala na tatalo pa sa boyfriend ko." Sagot ko, saka ko hinawakan ang kamay ni Wendel na nanlalamig. "Iba na lang ang isayaw mo.. huwag ako."

"Parang bading naman ang boyfriend mo, takot na takot!" Aniya.

Tumayo ako at lumapit sa kanyang mukha. "Ayusin mo ang pananalita mo."

"Bakit, 'di ba?"

"Babe!" Tawag sa akin ni Wendel at hindi ko siya pinapansin.

"Ano'ng gusto mo, ang maisayaw ako na may kasamang comatose pagkasayaw o ang lumpuhin na rin kita ngayon?" Ngising tanong ko at nagsilapitan ang kanyang mga kasamahan sa amin. "Which one do you like?"

"Kasi naman Kaydee!" Singhal ng kanyang kasama sa kanya. Titig na titig siya sa akin na animo'y wala sa kanyang sarili. "Mahiya ka naman, Brad! Pasensya ka na John MaxZien."

"Hoy ano 'yan!" Sigaw ni Jacky

Bumaling ako kay Wendel na tahimik na tahimik lamang sa kanyang upuan at saka ko kinuha ang kanyang kamay upang magpunta sa unahan katabi nina Kuya. Inilagay ko ang kanyang dalawang kamay sa aking bewang at saka ko inilagay ang aking mga kamay sa kanyang balikat. Nakikita ko sa ngayon sa kanya ang malulungkot niyang mga mata.

"Huwag ka na malungkot.. huwag mo nang isipin ang sinabi ng sira-ulong 'yun."

"Sorry Babe ah, hindi ko magawang ipagtanggol ka at ang aking sarili. Dahil ayokong gumawa ng gulo... at hindi ako ikaw na malakas."

Nginisian ko siya. "Alam kong may mabuti kang kalooban, hindi ko kagaya na isang trouble maker."

"Pero at least, nasa tama ka."

"Uhm.. Kaya huwag ka na malungkot."

Yumakap siya sa akin "Thank you, Babe!"

"I love you!"

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon