Averie Bailey' s POV
KINABUKASAN
Tanghali na akong nagising dahil napasarap ang aking pagtulog. Katamaan lamang ang aking paggalaw dahil pang hapon pa ang aming klase ngayon. Gayun din ngayon araw na ito magaganap ang unang pag-eensayo sa sayaw ng kambal sa kanilang darating na COA Day. Silang dalawa ang napili dahil marunong at magaling silang sumayaw noon pa man. At iyon din ang isa sa mga hinahangaan ko sa kanilang dalawa, at nakuha nila ang galing sa pagsasayaw ni Tita Jan Ace.
"Ano bang oras ng klase mo A-ve?" Tanong sa akin ni Mommy habang nagluluto ng aming lunch.
Napangunot naman ang noo ko sa tawag niya sa aking pangalan. "Ang sagwa naman po ng A-ve, Mameh!"
"Oh! Yaeh na at ako naman eh iyong ina."
Ano pa nga ba?
"Isang subject lang po ang mayroon kami ngayon... after ng klase ko, baka ma-late po ako ng uwi. Panonoodin ko po kasi ang kambal sa kanilang practice sa sayaw."
Lumingon siya sa akin "Manang-mana talaga ang dalawang iyon sa kanilang inahin.... sa galing ba ga naman ni Mars Jan sumayaw."
Hindi ko maiwasan ang matawa sa kanya dahil nang hahaba ang mga nguso niya habang nagsasalita "Kaya nga po!"
"Oh s'ya s'ya s'ya! Kumain ka na!"
Tumayo ako at umupo sa aking paboritong upuan. Lumabas naman si Mommy upang tawagan ang aming mga kasambahay at mga tauhan para sa aming pagsasalo-salo. Pagkarating nila ay nagsabay-sabay kaming kumain. Lagi namin silang kasabay sa hapag kainan dahil sila ang gumagabay at nagsisilbi sa amin, ito na rin ang paraan ng aming pasasalamat sa kanila. Lalo pa't hindi pa ulit nakakababa ng barko si Papa, kaya doble ang pagbabantay nila sa amin kahit na wala nang kaguluhang nagaganap sa paligid.
Nang matapos akong kumain ay nagdiretso ako sa panliligo at pag-aayos ng aking sarili't mga gamit sa school. Nagpaalam ako kina Mommy at saka ako lumabas ng bahay at sumakay sa aking kotse. Sa limang buwan na nakalipas ay natuto akong mag-aral magmaneho at ang gumabay sa akin ay aking aking Sweetie na si MaxWade. Kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
Sweetie... Calling...
Sweetie: Papasok ka na ba?
Me: Oo. Kakasakay ko lang sa kotse.
Sweetie: Okay, mag-iingat ka. Last subject na namin ito ni John MaxZien at after nito ay practice na namin sa may gym.
Me: Thank You! Anong oras ba ng practice n'yo?
Sweetie: 3:30 ang start
Me: Sige, abot pa ako at Minor subject lang naman namin ngayon.
Sweetie: Okay, ingat ka. I love you
"Raawwwrrr kakakilig!!"
Me: I love you too Sweetie!
Binaba ko ang cellphone na may mga ngiti sa aking labi. Dahil hindi ko pa rin maiwasan ang kiligin. "Tagos pa rin sa puso ko ang I love you n'ya..... langya! Nakakakilig talaga ang isang John MaxWade La Leon" imik ko, sabay bukas ng makina.
Nagtuloy-tuloy ako sa aking pagmamaneho hanggang sa makarating ng parking area. Humilera ako sa kotse ng kambal at ni John Wendel. Bumaba ako at naisipan kong silipin ang nasa loob ng sasakyan ni John MaxZien, at tanging nakikita ko lamang ay ang kanyang espada sa likod. Habang ang kay Sweetie naman ay mayroong mga damit niya. At ang kay Wendel naman loob ng sasakyan ay mayroong mga pagkain, damit at sapatos, saka ako nagpasok sa loob ng aming campus.