CHAPTER 61 (HEARTACHE)

19 3 79
                                    

John Wendel's POV

1 MONTH LATER

Isang b'wan ang nakalipas at payapang-payapa pa rin ang aking pag-aaral dito sa CIS, dahilan na rin sa kasama ko ang aking pinakamamahal na si John MaxZien at ang aking mga kaibigan ba laging nariyan. Walang gumagambala na kahit ano sa amin, maliban lang kay Danica na sobrang kulit sa loob ng klase. Pero nakakayanan ko naman s'ya at wala naman siyang pinapakita sa akin na masamang pag-uugali o kahit anumang mga bagay. Nagkamali lamang pala ako impresyon noong unang pagkikita namin sa Boracay, dahil mukha siyang baliw sa hitsura niya noon. At ngayon ay puro mga kabutihan ang ipinapakita niya sa akin, kahit na lagi ko siyang sinusungitan ay hindi niya ako sinusukuan na kausapin.

Pagkahatid ko ngayon kay Babe sa kanilang room ay dumiretso ka agad ako sa aming din silid, dahil malapit nang magsimula ang aming klase. Pagkapasok kong iyon ay masama ang tingin sa akin ni Danica at hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang siyang makatingin ngayon sa akin.

"Where have you been?" Tanong niya na tumataas ang kanyang kanang kilay. "So tagal mo naman!"

Umupo ako sa aking upuan. "Hinatid ko si Babe.. s'ympre sa room nila."

"Kaya nanaman niya eh.. Bakit mo pa hinahatid?"

"Gano'n talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit kaya niya... sasamahan mo pa rin s'ya." sagot ko "Bakit kasi nagagalit ka?" Takang tanong ko

Sinamaan niya ulit ako nang tingin "I, um... well. I like you a lot." mahinang sagot niya "But.... Mayroon ka nang John MaxZien"

Hinawakan ko ang kaliwang braso niya. "Danica... Okay lang na magkagusto ka sa akin, pero gusto din kita...." tumingin agad siya sa aking mga mata. "Bilang kaibigan." Lumaylay naman ang kanyang mga balikat.

Muli s'yang humarap sa akin "Okay." Humawak din siya sa braso ko "Can I ask you a favor?"

"Sure! What is it?" Ngiting sagot ko para maibsan kahit papaano ang kanyang nararamdaman.

"Samahan mo akong mag shopping mamaya sa Mall.... 'Yung tayo lang dalawa."

P'wede naman.... Wala naman kaming lakad mamaya ni Babe.

Tumango ako sa kanya "Okay, Okay!"

"Yessss!!" Tuwang sagot niya "Aasahan ko ah?"

"Oo naman!"

Shopping lang naman eh

Maya-maya pa ay pumasok na ang Professor namin sa Geology na si Prof Chan. Marami siyang subject namin dahil mismong Engineering Department na ngayon ang kanyang hinahawakan. Kung noon ay nasa CIHM Department siya, ngayon ay nasa Engineering na siya. Pero mayroon pa rin siyang ilang subject na hinahawakan sa CIHM.

"Danica?" Tawag niya. dito

"Yes Prof?" Sabay tayo niya

"May relasyon ba kayong dalawa ni Mr. Smith?"

Nanlaki ang aking mata sa tanong niya. "Wala po kaming relasyon.." Sabat ko "Magkaibigan lang po kaming dalawa."

Natawa naman si Prof "Ang clingy kase ni Danica.. pero bagay kayo."

Ngiting-ngiti naman sa kanya si Danica "Prof may girlfriend na po s'ya eh."

"Yung taga COA ba kamo?" Tanong niya at bumaling muli nang tingin sa akin."Ano ngang buong pangalan ng batang iyon?"

Chismoso talaga! Ang tanda-tanda na.... tsk! Pa ulit-ulit?

Tumayo ako "John MaxZien Bernardo La Leon po, buo po 'yan."

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon