CHAPTER 85

16 3 43
                                    

John Wendel's POV

Habang kami'y nasa kalagitnaan ng aming klase ay naiisip ko pa rin ang pagpunta namin sa Australia. Dahil ang akala ko'y ngayon na rin mismo ang aming pag-alis, ngunit hindi pa pala. Sapagkat hindi pinayagan si Papa ng kanilang pinaka pinuno ng Kapitan ng Barko na mag-resign, dahil ayaw nitong bitawan si Papa. Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko, pawang may pumipigil sa aming pag-alis dito. Pero ayaw kong mag-isip na ang dahilan ay si John MaxZien, dahil baka umasa lamang ako sa wala.

Nagulat naman ako nang biglang nagtatakbong pa palabas si Danica na walang paalam sa aming Professor. Dali-dali siyang lumabas ng room na animo'y may hinahabol o may masamang nangyari. Hindi ko na siya inintindi pa, bagkus nakinig na lamang ako kay Professor.

Pagkatapos ng aming klase ay agad akong dumiretso sa canteen para silipin ang aking mga kaibigan. Pagkarating ko dito sa may canteen, ang nabungaran kong naroroon ay sina Jacky, Nathalia at Brent. Hindi na ako nagtaka kung bakit wala pa sina John MaxWade, dahil pa pasok pa lamang sila ngayong tanghali. At si Averie Bailey naman ay paniguradong kanina pang nakalabas.

"Wends!!" Tawag sa akin ni Brent at kinawayan niya ako.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa aking pwesto. "Kanina pa ba kayo?"

"Oo, mga trenta minuto na ang nakalipas." Sagot ni Nathalia. "Nakita ko kanina si Averie, sumilip sa aming room.. maaga silang lumabas."

"Ay nakita ko rin ang bakla!" Sabat ni Jacky

"Iisa nga lang pala ang Department n'yo." Sabi ko

"Oo.." Sagot ni Brent. "Kumusta ka?"

"Okay lang... Nakakain na ba kayo?" Tanong ko.

"Oo." Sagot ni Jacky na patuloy sa kanyang paglalagay ng powder sa kanyang mukha. "Hindi namin kasi alam na pupunta ka dito.. edi sana, nahintay ka man lang namin." Aniya at tumingin sa akin. "You're good at singing huh!.. If in the dark we lose sight of love. Hold my hand and have no fear. 'Cause I, I will be here.." Kanta niya at ngumusong malungkot sa akin. "Sobrang nakakawasak ng puso 'yung kanta mo, bakla!"

Napangisi naman ako sa kanya. "Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para makapunta sa unahan at kumanta."

"Edi sa alak! P'wede din kay John MaxZien hehehehe"

Tumayo ako at hinugot ang wallet sa aking bulsa. "Bili lang ako ng lunch ko."

"Sige lang, wait na lang natin hanggang mamaya ang kambal.. dalawang oras lang naman ang klase nila eh."

"Hmm."

Tumalikod ako sa kanila at kumuha ng aking plato, saka naglagay ng aking mga pagkain. Gayundin ang aking inumin at binilhan ko rin sila ng mga pagkain gaya ng Pizza, Cake at Softdrinks. Pagbalik ko sa aming table ay inabot ko agad iyon sa kanila, saka ako kumain ng aking lunch.

Tumambay na muna kami dito sa canteen nang mahigit na tatlong oras upang hintayin sina John MaxZien, pero walang dumadating ni isa sa kanilang dalawa ng Kuya niya.

"Pumasok ba sila?" Tanong ni Brent

"Hindi ko din alam eh." Sagot ko

"Eh kung tawagan mo kaya ang dalawa." Utos ni Jacky sa akin at saka muli siya humarap sa kanyang salamin.

Napaka bading talaga.

"Wala na akong load..." sagot ko at bumaling kay Brent "Ikaw ba? Tawagan mo ang isa sa kanila."

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon