Carter's POV
THIRD YEAR COLLEGE ako ngayon dito sa CIS at ito ang unang araw ng aming klase. Labag man sa aking kalooban itong aming gagawin, ngunit kinakailangan ko itong gawin. Sapagkat hindi basta-basta ang aming pamilya, ang mga Zhang. Kahit na pamangkin, anak, kapatid, o asawa man ay may ipaparatang na kaparusahan kapag hindi namin ginawa ang kanilang ipinag-uutos. At ngayon, masasabi ko na itong project na ito ang pinakamabigat ns ibinigay na tungkulin sa amin ngayon, dahil kinailangan namin ang huminto sa pag-aaral sa Canda upang dito mag-aral sa Pilipinas.
Sa Canada, gaya ng kurso ng dalawang La Leon ay iyon din ang aking kinukuha, ang BS Architecture. Habang si Danica naman ay kumukuha ng kursong Engineer din sa Canada, ngunit hindi kagaya ng kay Wendel na Civil Engineer. Kumukuha siya ng kursong Industrial Engineer, kaya naman nag-shift na lamang siya para sa project namin itong gagawin laban sa mga La Leon.
"Hi!" Bati ng isang lalaki sa akin habang ako'y naghihintay sa may Office upang sumabay kay Professor Lanny papunta sa kanyang klass.
Nginitian ko siya "Hello!" sagot ko
Bigla naman lumabas si Professor Lanny at sumunod ako sa kanya papuntang room. Nang makarating na kami sa may labas ng room ay may isang estudyanteng hindi pumapasok ng room at mukhang naghihintay din siya nang makakasabay. Sunod-sunod kaming pumasok ng room at saka kami nagpakilalang dalawa. Nakatitig ako sa dalawang La Leon na nakaupo sa may bandang dulo at natutulala ako sa kagandahan ni John MaxZien. At tama si Shaina na sobrang napakaseryoso ng mukha nito, pero kahit na ganoon ang mukha nito ay sobra namang ganda.
Pagkatapos kong magpakilala ay lumapit ako sa gawi ni John MaxZien, dahil naroroon ang isang bakanteng upuan.
"Is this seat taken?" Tanong ko, ngunit hindi niya ako sinasagot. Titig na titig siya sa unahan na animo'y hindi niya ako naririnig. "Excuse me, Is this seat taken?"
"Walang nakaupo d'yan." Walang emosyong sagot niya.
Napangiti naman ako at saka ako umupo't humarap sa kanya. Dahil sa ganda niyang iyon ay pawang hindi ko magagawa ang saktan siya."What is your name?...." Tanong ko. "Again, I' am Carter Zhang." Pakilala ko, saka ko inilahad ang aking kanang-kamay.
"John MaxZien La Leon" sagot nitong hindi nakatingin.
"Cool name."
Hindi niya inilahad sa akin ang kanyang kamay, kaya naman ang kakambal niya ang naglahad sa akin. "John MaxWade La Leon.. we're twins." Pakilala nito at nagkunwari akong namangha.
"Oh! Cool" imik ko at tumalikod sa akin si John MaxZien.
Patawa-tawa naman si John MaxWade na pawanf baliw. "Yes! We're cool." Imik nito.
Panay ang tingin ko sa kanya dahil hindi nakakasawang tingnan ang kanyang seryosong walang emosyon na mukha. Pawang siya ay isang Chinese o Koreana dahil sa kanyang mga mata, gayon din sa ganda ng kanyang balat na animo'y hindi nasisinagan ng araw sa sobrang puti.
Nagsimula na ang pagtuturo ni Professor Lanny at nagbigay siya ng isang gawain. Pinagawa niya kami ng kanya-kanyang gawain at iyon ay ang pagguhit ng malalaking mga gusali. Dalawang oras ang nakalipas nang matapos namin iyon maiguhit at saka namin ito ipinasa sa kanya. Saka niya kami pinalabas upang mag lunch break. Pero hindi na muna ako lumabas ng room upang makasabay sa kanilang dalawa.
Lumapit ako kay John MaxZien. "Can I come with you?" Tanong ko
Tiningnan lamang niya ako ng kanyang seryosong mukha."May naghihintay sa amin ni Kuya.... Sa iba ka na lang sumama." Sagot nito at nakaramdam nman ng kirot ang puso ko dahil tumagos ito sa buo kong pagkatao.