Kinabukasan maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili. Paglabas ko ng aking k'warto ay nakita ko mula dito sa itaas si Wendel sa may living area na nag-iisa. Hindi ko inaasahang ipinagpatuloy pa rin niya ang pagpunta niya dito sa amin. Nakakaawa siyang tingnan, pawang isa siyang bata na pina-ampon ng kanyang mga magulang. Tulala siya at mukhang napakalalim ng kanyang mga iniisip.
Hindi niya alam na dumating ako kagabi at nasisiguro kong magtataka siya sa akin ngayon. Tumikhim ako upang mapansin niya, naglinga-linga siya sa paligid at pag-angat ng kanyang paningin paitaas ay namataan niya ako. Gaya nang inaasahan ko ay nagulat siya sa akin at agaran siyang tumayo, saka ako bumaba ng hagdan pa palapit sa kanya.
"John MaxWade..." Tawag niya ngumingiti. "Kelan pa kayo dumating? Nasaan si Babe?" Tanong agad niya na tumitingin sa itaas "Tulog pa ba s'ya sa itaas?.... Bakit hindi ko alam na uuwi kayo? At hindi sinasabi sa akin ni Ate Susan na narito na din pala kayo ngayon?" Naaaligagang imik niya.
Bumuntong hininga ako at sumeryoso nang tinging sa kanya, saka siya natigilan. "Wala pa s'ya dito. Ako lang ang umuwi at ang mga kanang kamay nina Mama."
Hinawakan niyang magkabila ang balikat ko. "Huh?.. Ba---Bakit?" Hindi makapaniwalang tanong niya
"Hindi ka na n'ya uuwian pa."
Unti-unting lumaylay ang kanyang balikat at ang kanyang mga mata ay napapaligiran na ng kanyang mga luha, saka ang mga ito bumagsak. "Ano'ng sinasabi mo?... Hindi ako nakikipaglokohan, John MaxWade!" Ngiting sabi niya habang umiiyak "Uuwian ako ni Babe..... Mahal n'ya ako at mahal ko din s'ya.."
Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang kanyang braso. "Binibiro lang kita...." sabi ko, saka siya muling nabuhayan at pinunasan ang kanyang mga luha "Kailangan n'yang magpalakas ng katawan.... Saka lamang sila uuwi dito pag-ayos na ayos na s'ya."
"Sana napatawad na niya ako."
"Sana nga.." sagot ko, saka muli akong tumapik sa balikat niya "Sige na... may lakad pa ako... Hintayin mo na lang magising ang mga tao dito.." sabay tingin ko ng oras sa aking relo. "Masyadong maaga pa kasi."
"Pasaan ka ba?" Tanong niyang nakakaawa.
"May aasikasuhin lang.... Sige na."
Saka ako tumalikod sa kanya at nagpaalam kay Ate Susan. Hindi ko na ginising si Averie dahil nasa guest room siya, kasama ang pamilya niya. Kaya ite-tect ko na lamang siya.
To: Bii Averie Bailey
Bii, Goodmorning! Maaga akong umalis at kinakailangan na namin malaman nina Sebastian kung sino ang may pakana ng lahat ng ito... Nand'yan na din si Wendel, iniwan ko na muna siya... Ikaw muna ang bahala sa kanya. Thank you and I love you!
Message Sent 6:20amSaka ko naman hinanap ang numero ni Sebastian sa aking contact list.
Sebastian.... Ringing....
Sebastian: Yes SwordMan! Good morning.
Me: Nasaan na kayo ni Dakota?
Sebastian: Paparating na po kami sa inyo
Me: Okay. Narito ako sa may labas ng gate.
Sebastian: Copy. Tanaw na po namin kayo.
Me: Okay!
Hanggang sa dumating na sila at saka ako sumakay sa loob ng kotse.
"SwordMan, tanda mo pa naman ang daan papunta sa mga Zhang?" Tanong ni Dakota na siyang nagmamaneho ng kotse.