LIMANG BUWAN ang nakalipas at naging mapayapa ang buhay ng pamilyang La Leon. Punong-puno nang saya, pagmamahalan, at inspirasyon sa bawat isa. Nag iba ang tahak ng mundo nila simula noong nawala ang mga Tan sa kanilang buhay. At ngayon ay malaya na silang nakakapunta sa kung saan-saan na mga lugar at wala na din nangyayaring mga pagpapasabog, pagnanakaw, pangangakyat-bahay, kidnapping na nagaganap sa buong lalawigan ng Batangas.
John MaxZien' s POV
Limang Buwan na ang nakalipas simula noong sagutin ko si John Wendel sa bansang Singapore. Masasabi ko na ganito pala ang buhay na mayroong iniibig o kinakasama. Masayang magmahal kapag mahal ka, masayang magmahal kapag inaalagaan ka sa paraang alam niya, at masayang magmahal kapag tanggap ka niya ng buong puso't walang pag-aalinlangan. Masaya ako sa kanya dahil siya ang lalaking dumating sa buhay ko na pakiramdam ko'y siya na ang makakasama ko habambuhay. Kahit na minsan siya ang babae sa amin dalawa ay mahal na mahal ko siya, dahil nakikita ko rin sa kanya ang pag-uugali ni Tatay na masyadong Baby kung umasta kapag kasama si Mama.
"John MaxZien, wala ba kayong pasok ngayon?" Takang tanong ni Mama habang bumababa ako ng hagdan "At saan ang punta mo?"
"May date ho kami ngayon ni Wendel."
"Dala mo ba ang kotse mo?"
"Hindi ho, kakaunin ho ako ni Wendel dito mismo."
Tumango siya "Mabuti naman, akala ko'y ikaw pa ang kakaon at ikaw ang mas lalaki sa inyong dalawa." Ngising imik niyang nakatingin kay Tatay.
"Babe, pinaparinggan mo ba ako?.." Tanong ni Tatay kay Mama at umiling siya, saka tumingin sa akin. "Ano'ng oras nang uwi ng Kuya mo?"
"Hindi ko ho alam e... Tatawag daw ho s'ya mamaya kay Mama o sa inyo."
Wala ngayon dito si Kuya sa bahay, magkasama sila ngayon ni Averie na gumagala at kanina pa silang hindi umuuwi, at mukhang may gagawin pa sila ni Tatay kaya tinatanong niya sa akin si Kuya.
"Sige, maniningin sana kami ng mga sword."
Tumingin ako sa aking relo at sinilip ang oras dahil wala pa si Wendel. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bag upang siya ay padalhan ng mensahe.
To: John Wendel
Nasaan ka na?
Message Sent 3:20pmReplied: Ang sweet mo talaga! Malapit na ako
To: John Wendel
Ano ba kase ang dapat kong sabihin?Hindi agad siya sumagot sa message ko kaya naman umupo ako sa may sofa upang ayusin ang suot kong white long sleeve polo upang i-tuck-in ito sa harap sa aking pantalon na fitted. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko at siya ang tumatawag.
John Wendel..... Calling.....
Me: Oh?
Wendel: Ano ba John MaxZien!! Nakakainis ka
Me: Bakit ba?
Wendel: Wala ka man lang ka sweet-sweet sa akin.. Ay oh!
Me: Ang mahalaga e mahal mo ako at mahal kita
Wendel: Oo alam ko naman 'yon..... 'Di ba ang sabi ko sa iyo, gusto ko 'yung tawagan natin ay katulad ng kina Tita Jan Ace..... 'yung Babe! Babe John MaxZien! Babe!
Me: Okay.... Gaya-gaya ka.
Wendel: Sige na! Malapit na ako
Me: Okay!