CHAPTER 87 (GRAD BALL)

13 3 40
                                    

8 MONTHS LATER

Lumipas ang maraming buwan at napakarami ng mga nasaksihang pangyayari. Sa mga dumaang dagok sa aming pamilya, sa aking sarili at sa taong pinakamamahal ko na si Averie Bailey ay nasulusyonan namin nang maayos sa pamamagitan ng pagkakaisa. Alam ko sa aking sarili na mayroon pa rin na dadaan na mga problema at hindi na iyon mawawala pa, kung kaya naman ay alam ko na ang mga dapat kong gagawin at iyon ay ang maging kalmado, pagtitiwala sa sarili, lalo't higit sa pamilya. Ito ang mga paraan na natutunan ko sa mga nagdaang buwan. At ang lahat ng mga ito'y natutunan ko lamang sa mga taong nakapaligid sa akin, iyon ay ang aking pamilya La Leon at higit sa lahat ay sa aking kakambal na si John MaxZien.

Malungkot man ang sinapit ng pamilya Tan at Zhang, pero ipinaramdam pa rin namin sa kanila na hindi sila nag-iisa. Kahit na napakalaking dagok na ibinigay nila sa aming pamilya ay hindi pa rin namin sila hinayaan na ganoon na lamang ang kanilang buhay na mabubulok sa kulungan. Pinapadalhan namin sila ng mga bagay na kanilang kakailanganin sa kanilang mga sarili. Gayundin alang-alang sa aming kaibigan na si Carter Zhang na sumakabilang buhay na. Hindi rin hinayaan ng aking pamilya na makulong lahat ang mga Tan, hinayaan nina Mama na ang mga anak ni Alex Tan na bantayan na lamang ang kanilang ina na si Lady Tan na alagaan ito, dahil kailanma'y hindi na ito makakalakad pa.

Sa paglipas din ng mga buwan ay ipinagpatuloy pa rin namin ang aming pag-aaral. Umalingawngaw man sa School ang balita tungkol sa mga nangyari, hindi na namin pa ang mga ito iniintindi. Isa pa ay hindi naman nila kilala kung sino ang mga taong kanilang pinag-uusapan. Matunog man ang pangalan ng Organisasyon namin ay hindi pa rin naman nila kilala kung sino ang mga taong nasa likod nitong In The Dark.

At ngayong gabi na ito ang araw ng aming Graduation Ball at bukas naman ang araw ng aming pagtatapos sa Kolehiyo. Kahapon naman naganap ang pagtatapos nina John MaxCollin sa Sekondarya at siya ang nakakuha ng pinakamataas na parangal sa kanilang kabuuan,

"Mas poging-pogi na ba ako ngaykn?" Tanong ko kay John MaxZien habang ako'y nananalmin at nag-aayos ng coat. Ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanya at tuloy-tuloy pa rin ang kanyang paglalagay ng hikaw sa kanyang tenga. "Tch!"

"Ang panget." Aniya

"Ano'ng pangit ka d'yan!..." Singhal ko sa kanya at nginitian ng mayabang. "Ako ang magiging pogi sa lahat ngayong gabi... Sorry na lang kay Wendel."

"Edi mag-sorry ka sa kanya."

Napaka pilosopo talaga niya kahit kelan

Tumayo siya at inayos ang kanyang long gown na suot. Hindi ko ipagkakaila na sobrang ganda niya ngayon at hindi lamang ngayon kundi araw-araw. Nasisiguro ko na ang isang John Wendel Smith ay matutunaw nanaman sa kanyang makikita ngayong gabi. Dahil lahat ng Departamento ngayon sa Kolehiyo ay nagkaisang pagsabay-sabayin ang Gradball, kung kaya naman tuwang-tuwa si Wendel.

Si Averie kaya?

"Tara na.." Aya niya "Huwag mo munang isipin si Averie, makikita mo rin 'yun."

Literal na manghuhula.

"E jowa ko 'yun eh... Dapat lang na isipin ko s'ya."

"Oo na 'tara na, ang dami mong satsat."

Magkasunod kaming lumabas ng kanyang k'warto at nakita ko naman sina Mama na nasa baba. Sabay kaming bumaba ng hagdan at sinalubong naman ni Tatay si John MaxZien. At sinalubong naman ako ni Mama upang ayusin niya ang suot-suot kong black coat.

"Mag-iingat kayo at mag-enjoy." sabi ni Mama

"Kapopogi talaga ng mga anak ko, manang-mana sa Tatay..." Sabi naman Tatay at humarap siya kay John MaxZien. "Lalo na ang aming munting Prinsesa... Wala ng makakatalo pa sa ganda."

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon