CHAPTER 82 (THE RETRIBUTION PART 2)

15 3 72
                                    

Danica's POV

Maganda ang gising ko, kaya naman maganda din ang umaga ko, lalo pang gumanda nang ako'y tumingin sa harapan ng salamin. Kinurot-kurot ko ang pisngi ko sa tuwa ko sa aking sarili. Dahil mas lalo akong bumabata at gumaganda, dahilan na rin sa mga beauty products kong inilalagay sa aking mukha. Mga skincare na humihiyang sa akin kaya mas lalo akong gumaganda at natatalbugan silang lahat. At wala ng makakapantay pa sa taglay kong kagandahan, kahit si John MaxZien dahil puti lamang ang panlaban niya.

You're so freaking beautiful, Danica!

Saka ako pumasok sa C.R. at gumamit ng bathtub. Nilagyan ko ito ng oil na makakpagpaginhawa sa aking katawan, upang mas lalo na rin kuminis at mamuti ang aking mga balat. Makalipas ang sampung minuto kong pagbabad at saka ako tuluyan nang maligo. May narinig naman akong mga boses mula sa baba at mukhang mga nagtatalo sila, dahil tumataas ang tono ng kanilang mga boses. Dali-dali akong naligo't magbihis at nag-ayos ng mukha.

Paglabas ko'y humawak agad ako sa aming baluster para dungawin sila mula sa ibaba. Ngayon ay magkaka-usap sina President Arthur, Dad, Uncle Alex at Carter. Dahan-dahan ako'ng bumaba para lumapit sa kanila.

"What's happening, Dad?" Tanong ko

Nasapo ni Dad ang kanyang noo at napa-iling siya na para bang nadesmaya. "Because of your brother!...." mataas na tonong boses na sagutan niya. "Gusto n'yang itigil na natin ang ating mga ginagawa laban sa mga La Leon."

Tumingin ako kay Carter ng masama at iniwasan naman niya ako. "Fuck! nahuhulog ka na talaga kay John MaxZien ano?.. Kaya gusto mo ng itigil ang lahat ng 'to?" Napatawa naman ako at tinaasan siya ng kilay. "Niyaya ka lang n'yang lumabas, lumambot ka na agad... Gossshhhh!!"

"Will you please shut up, Danica!" Singhal niya sa akin na magkasalubong na magkasalubong ang kanyang dalawang kilay.

Tumikhim naman si President "Mga pamangkin o apo o anak..." Imik niyang kalmado "Planado na ang lahat.. Kung kailan n'yo lang gusto ang ipapagawa n'yo, saka namin gagawin." at natawa siya, sabay inom ng paborito niyang red wine. "Kapag hindi na kayo makapagpigil, go lang."

"Sabihin n'yo sa akin President.. Kung ano'ng mga plano n'yo." Seryosong imik ni Carter at nagkatinginan naman kaming apat.

Akala ko ba ayaw na n'ya?

Tinapik siya nito sa kanyang balikat na akala mo'y may pinapagpagan na langaw. "Sa amin na muna 'yun, Carter.... At malalaman n'yo din naman kapag dumating na 'yong takdang araw at oras."

I am sure their plans are bloody... Katulad na lang nang nangyari kay John MaxZien.

"Pinahanga mo ako sa iyong galing, Danica..." Ngiting sabi ni Dad at yumakap ako sa kanya ng mabilis. "Ilang mga plano na natin ang ating nakamit... Napaghiwalay mo sina John MaxZien at Wendel."

Kinindatan ko siya "Well... Maganda kase ako."

Nagtawanan naman silang lahat maliban kay Carter "That's my niece, sometimes granddaughter HA HA HA HA." Tawa niyang matanda na.

"What is our next plan after this?" Tanong ni Carter

"I thought pinapatigil mo na itong gawain natin?" Tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng deretso "I changed my mind.. basta sabihin n'yo lamang sa akin ang mga plano, para makapaghanda ako ng dapat kong gagawin."

"Don't worry, Carter.." Ani ni President "I will tell naman sa iyo, wala pa nga lang tayong napupusuan sa ating mga gagawin.

"Kidnapping?" Sabat ni Uncle Alex. "If you want."

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon