Carter's POV
Ngayong araw na ito ang araw ng aking kaarawan. Ilang oras na lamang ay magsisimula na ang kasiyahan na magaganap dito sa aming labas ng bahay. Sa totoo lamang ay hindi ko gusto na mayroon akong ganitong party, dahil sa planong gagawin ng aking pamilya kay John MaxZien o kay Wendel. Hindi ko alam kung ano ang kanilang ginawang plano, natatakot ako para sa kanya at pawang gusto ko siyang dipensahan laban sa kanila. Ngunit, kung gagawin ko man iyon, hindi ko alam kung saan ko pa pupulutin ang aking sarili.
"Bro!" Tawag sa akin ng kapatid kong si Danica habang siya'y naglalakad na naksuot ng pink dress.
"What is it?"
Napansin ko din naman na papalapit sa amin sina Dad, Lolo Arthur at Tito Alex. Ngayon pa lamang ay kinakabahan na ako, dahil wala akong kaalam-alam sa kanilang gagawin.
"Sinigurado mo ba na pupunta dito si John MaxZien, Carter?" Tanong ni Tito Alex.
Umiwas ako nang tingin sa kanya. "Yah!"
Mabagal naman tumawa si Lolo at tinapik-tapik niya ang kanang balikat ko. "Very Good, apo!"
"At very good din kay Danica..." sabat ni Dad na may hawak-hawak na red wine sa kanyang baso. "dahil pupunta din dito ang pinakamamahal na boyfriend ni John MaxZien na si Wendel Smith.." Aniya, sabay tawa. "Hindi alam ni John MaxZien na dito din ang punta ng nobyo niya, poor John MaxZien.. Naisahan din ang matsing."
"What are your plans for John MaxZien, huh?" Inis kong tanong sa kanila at nagtaka sila sa akin. "Please, don't hurt her."
"Iho? Do you like her? Are you fell inlove with her?" Sunod-sunod na tanong ni Lolo Arthur na nangungunot ang kanyang noo.
"Do I like her?" Pagkukunwari kong tanong. "She's my friend, one of my friend na.. And Yes! totoo ang narinig n'yo. But I'am hoping na hindi siya masasaktan sa planong ginawa n'yo.. pisikal."
Umalis ako sa kanilang harapan at umakyat patungo sa aking k'warto upang ayusin ang sarili ko. Nasapo ko ang aking noo dahil wala akong magawa. Nakakaramdam ako ng konsensya kung bakit ko pa pinasok at pumabor sa kanilang mga planong ito. Gutso ko ng makawala sa mundong iniikutan ko.
John Wendel' s POV
Paalis na ako ngayong hapon sa amin, dahil tumawag na sa akin si Kayden na naroon na siya sa bahay ng kanyang kaibigan at ibinigay niya sa akin ang address nito patungo sa lugar na iyon. Habang ako'y pasakay ng kotse ay naisipan ko naman tawagan si Babe, kahit na kanina ay magka-usap lamang kaming dalawa.
Babe John MaxZien.... Ringing....
Babe John MaxZien.... Ringing....Me: Babe, ano'ng ginagawa mo ngayon?
Babe: Nag-aayos
Me: at pasaan ka naman?
Babe: May bibilhin lang ako sa labas, pagkain ng aso ni John MaxCollin.
Me: Sige, mag-iingat ka.
Babe: Okay. Ikaw ang mag-iingat sa pupuntahan mo.
Me: Yes Boss! I love you
Babe: Okay!
Me: Baba ko na Babe
Babe: Okay
Pinaandar ko na ang sasakyan ko at saka ako umalis ng bahay. Napakasarap magmaneho ngayon dahilan sa walang masyadong traffic at napakasariwa ng hangin, walang mga amoy usok ng mga sasakyan. Napakalamig ng dampi ng hangin sa aking mga balat na animo'y ako'y nasa loob ng isang silid na mayroon isang napakalamig na aircon. Ngayon ay sinusundan ko na lamang ang daan patungo sa address na ibinigay sa akin ni Kayden.