CHAPTER 96 (JOHN MAXWADE & AVERIE BIG DAY- THE FINAL ENDING)

15 3 26
                                    

Averie Bailey's POV

2 MONTHS LATER

Ngayon ay lubos kong napagtanto ang pag-aalaga ng bilang isang ina sa kanyang anak. Dalawang buwan ang nakalipas nang ipanganak ko si MaxZed Avry. Hindi madali ang mag-alaga ng isang sanggol, lalo pa't wala kang alam kung paano ito patatahanin kapag umiiyak. Hindi mo malaman kung may masakit ba sa kanya o wala, o baka nagugutom lang. Nakakapuyat at nakakapagod, pero kahit ganoon ang nangyayari sa akin, sa amin ay mahal na mahal namin si Zed at ibibigay namin sa kanya ang pag-aalagang nararapat sa kanya.

Ito ang araw na pinakahihintay namin dalawa ni John MaxWade, ang aming kasal na gaganapin mismo dito sa Boracay, sa may tapat ng ITD Hotel. Laking pasasalamat ko sa pamilya La Leon at Bernardo, dahil sila ang kumilos sa lahat mangyari lamang ang kasal na napagkasunduan ng aking pamilya. Masasabi ko sa aking sarili na napakaswerte kong tao, dahil pinagkalooban ako ng pamilya na ganito. Kung kaya naman mas maraming kabutihan at pagmamahal ang dapat kong isukli sa kanila. At deserve nila iyon, lalong-lalo na nina Mama Jan Ace.

Ngayon ay nasa loob kami ng aming room dito sa ITD Hotel na nagsusuot ng aking sayang pangkasal. Gayon pansamantalang hawak na muna ni Mommy si Zed. Sina John MaxWade naman ay nasa kabilang silid kasama sina Mama Jan Ace. Habang sina John MaxZien at ang pamilya niya ay nasa kabilang bahagi naman ng room na katapat nang sa amin.

Saktong pagkasuot ko ng aking gown ay biglang umiyak si MaxZed at agad kong kinuha ang kanyang dede na nasa lamesa "Mommy, baka, padedehen n'yo po." Sabi ko at inabot sa kanya.

Tumigil siya sa pag-iyak nang sinubo iyon ni Mommy sa kanya "Naku ay gutom nga ang baby naming iyan." Ani ni Mommy habang isinasayaw-sayaw ito. "Ate Flor?" Tawag ni Mommy sa aking taga pag-alaga kay MaxZed "Okay na ba ang mga gamit ni Zed?"

"Oo Ashie." Sagot ni Ate Flor habang sinasakbat niya ang gamit ng anak ko.

Si Ate Flor ang pangatlo sa magkakapatid nina Ate Susan. Habang si Ate Cecil naman ang panglawang kapatid nila na nakina Tito Max Jr namamalagi. Halos apat silang magkakapatid na babae at tanging sila lang ang pinagkakatiwalaan nina Lola Dainy. At ang kapatid naman nilang bunsong babae ay tumutulong sa Hacienda ng mga Bernardo. Halos kasing edad ni Lola Dainy si Ate Susan, habang si Ate Cecil naman ay isang taon lang ang agwat nila ni Ate Susan, at dalawang taon ang agwat ng mga ito kay Ate Flor.

Ngumiti ako sa kanya "Thank you po, Ate Flor."

"Naku Averie..." Ngising imik niya "Para sa pamilya mo at kay Baby MaxZed na cute ay hindi ako magsasawang manilbihan sa inyo."

Lumapit ako sa kanya para bigyan siya nang yakap. "Thank you po ulit Ate Flor.. Hindi po ako magsasawang magpasalamat sa iyo."

Hinahaplos-haplos niya ang likod ko "Oh s'ya sige na at baka makaiyak ka pa, masisira ang make-up mo niyan."

Natawa naman ako sa kanya at saka niya kinuha si Baby MaxZed kay Mommy dahil lalabas na kami ng aming room para bumaba. Inabot na muna sa akin ni Ate Flor ang anak ko para kami ay kuhanan ng litrato ng aming photographer. Saka din kami kinuhanan ni Ate Flor ng litrato kasama si Zed. Nang matapos kaming kunan ng litrato ay saka kami bumaba.

"Mauuna na kami sa iyo Averiana!" Sabi ni Mommy at napanguso ako sa kanya. "Kami na ang bahala ni Ate Flor kay Zed."

Humalik ako sa kanang pisngi ng anak na natutulog nang mahimbing. "Behave ka lang Baby ko ha? Si Ate Flor na muna ulit ang maghahawak sa'yo, later na ulit si Mommy."

"Ina ka na nga talaga.." Ani ni Mommy "Pakiramdam ko'y anak ko lang itong si MaxZed."

"Paano naman kasi, parang magkakasing edad lang kayo.." Sabat ni Ate Flor "Parang sina Jan Ace at ang mga anak niya, pawang magkakapatid lang ang vibes."

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon