CHAPTER 59

21 2 57
                                    

John MaxWade' s POV

1 YEAR LATER

Makalipas ang isang taon, ngayon ay nasa ikatlong taon na kami sa Kolehiyo. Sa lumipas na taon ay naging mapayapa pa rin ang aming mga buhay. Nakakasawa man na pauli-ulit lamang ang aming ginagawa, pero masaya naman. Nananatili pa rin na matatag ang aming pagsasama ni Averie Bailey, kahit na minsan ay may tampuhan ay agad naman namin itong nasusulusyonan. Gayon din sina Wendel at MaxZien, kahit na lagi sila'y mala aso't pusa mas matumbas pa rin ang pagmamahalan.

Sina Mama at Tatay naman ay patuloy pa rin sa kanilang pagmamatyag, kahit na minsan ay naiisipan na nilang ihinto at burahin ang In The Dark dahilan sa nagiging mapayapa na ang aming komunidad ay ipinapagpatulog pa rin nito. Sapagkat noong nakaraang linggo ay hindi magkaintindihan si Mama, dahil dumalaw sa kanyang isipan si Mr. Alex Tan. Gusto nitong maghiganti sa aming pamilya, ayon sa kanyang panaginip. Pero hindi kami nababahala kahit na iyon ay isang panaginip lamang, dahil pawang ito'y nagpapahiwatig na magkakaroon ng isang kaguluhan. Kaya naman ang lahat ay pinaghanda, kung sakali man na may kaguluhang muli na mangyayari.

Ang huling La Leon naman na aming bunsong kapatid na si John MaxCollin ay nasa ikatlong taon na rin sa High School. Masasabi ko na malaki ang kanyang pinagbago, dahilan na rin siguro sa kanyang pagbibinata. Masyado na siya ngayon naging seryoso, hindi katulad ni Alfonso Bron na kasing edad niya na mahilig makisama sa amin at hindi siya nahihiya, kaya naman natutuwa ako sa kanya. Gayon din si Jane Wendy na nasa Australia na doon nag-aaral at kung minsan ay dumadalaw lamang ito sa kanila upang mag bakasyon. At masaya ako para sa kanila, dahil nakikita ko kung paano sila mag-grow.

Ngayong araw ang unang araw ng aming pasukan. Naisipan kong sumabay na lang muna kay John MaxZien na sasakyan dahil hindi ko pa nalilinis ang aking kotse at isa pa ay nakakaramdam ako ngayon ng pagkatamad sa pagmamaneho.

"Konting fight na lang! Gra-graduate na ulit tayo!" Imik ko habang siya ay naka-focus sa kanyang pagmamaneho.

"Nakakamiss ang makipaglaban." Imik niyang walang emosyon.

At namiss mo pa talaga?

"Nilalagnat ka ba?" Tanong ko, sabay hipo ko sa kanyang leeg at nagulat naman siya sa akin. "Hindi ka naman mainit."

"Sira! 'Pag nabangga tayo dito."

"Edi sira." Sagot kong pabalang, dahil ang seryoso niya ngayon.

Tumingin siya sa akin nang mabilis. "Eh?"

"Ang seryoso mo nanaman kasi.. Huwag kang pasaway ah sa klase, lalo pa't may mga bago nanaman na mga kaklase tayo panigurado."

"Tsss.. I'm not a troublemaker.." sagot niya't huminga ng malalim. "Sa tingin mo ba, magkakatotoo 'yung panaginip ni Mama last week? Paano kung narito na sa Pilipinas sina Alex, hindi lang natin alam?..." Sunod-sunod niyang tanong, napalunok naman ako dahil mukhang may punto siya. "Ayon pala ay nasa paligid-ligid lang natin" Dagdag pa niya.

"Hindi ko masasagot 'yan... but you have a point."

"Siguro, kung naririto na sila ay talagang babawian nila tayo... siguro pinagpla-planuhan pa nila." Imik niyang malumanay

"Hindi din natin masasabi."

"Iba ang pakiramdam ko....."

Muli naman akong humarap sa kanya dahil iyon nanaman ang kanyang nararamdaman, kahit na hindi naman nangyayari ngayon. "John MaxZien, dati noong nagpunta tayo sa Singapore ganyan din ang pakiramdam mo.... Pero wala naman nangyari 'di ba? Nadala ka lang din siguro sa panaginip ni Mama, kaya naiisip mo 'yan."

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon