WARNING! MATURED SCENES AND EFFECTS!
John MaxZien's POV
3 WEEKS LATER
SABADO
Sa mga nagdaang linggo, b'wan at taon ng aking buhay marami akong mga bagay na aking nasaksihan. Simula nang ako'y isilang nasaksihan ko na ang buhay na aking haharapin, ang buhay na hindi pang-ordinaryo. Hindi ko natamasa ang buhay ng isang batang manlalaro ng mga bagay na karaniwang nilalaro, sapagkat tanging arnis, espada, at iba pang mga gamit sa pakikipaglaban ang aking nakalaro. Lumaki man ako sa ganitong klaseng buhay, kalakip ko naman ang sayang walang katumbas sa pagtulong sa mga nangangailangan. Hindi man ako nakapaglaro ng bahay-bahayan, batuhan ng bola, pagpapalipad ng saranggola, at habulan, alam ko balang araw na ito naman ang ituturo ko sa aking magiging mga anak kung hindi kinakailangan ang mga bagay na aking mga natutunan sa pakikipaglaban.
Hindi ko alam kung paano at kailan matatapos ang organisasyong binuo ng aking mga magulang. Hindi ko rin alam kung ano'ng magiging sunod na kabanata ng istorya ng aming pamilya. Hindi ko alam kung may mga kaguluhan pa ba na mga mangyayari sa mga darating na araw. Hindi ko alam kung ano'ng manyayari sa mga susunod na mga henerasyon. At hindi ko rin alam kung magiging sama-sama pa rin pa ba ang mga taong nakapalibot sa aming mga buhay.
Ngayong araw na ito masasaksihan ang panibagong pahinang kabanata ng aking buhay. Ang kabanatang pag-iising dibdib namin dalawa ni Wendel. Ngayon ay hindi ko pa rin mawari na ako'y ikakasal na, na pawang kahapon lamang ako'y nanunumpang bata sa harapan ng aking mga magulang. Ngayon ay manunumpa naman ako sa harapan ng pari, sa harapan ng aming mga magulang, sa harapan ng aking magiging asawa at sa harapan ng ating Panginoong Diyos. At ngayo'y hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko, dahil may halo itong kaba at tuwa sa aking puso.
At ngayo'y tanging mga tauhan na lang namin at ako ang natira dito mismo sa aming bahay, dahil pinauna ko na sa simbahan ang buo kong pamilya. Gayun ginusto ko na muna ang mag-isip kahit saglit nang walang mga taong nakapalibot sa akin.
21 pa lang ako, pero ikakasal na agad ako..
Napangiti ako sa naibulong ko sa aking isipan. Pinagkatitigan ko ang suot-suot kong wedding gown na sobra ang ganda, dahil kumikinang ito kapag nasisinagan ng liwanag. Pinagkatitigan ko rin ang aking sarili, dahil pawang hindi ako 'yung bababeng hindi basta babae lamang at ngayo'y sa nakikita ko'y pawang ako'y isang babae napakayuming tingnan.
Laking gulat ko nang may biglang kumatok ng tatlong beses sa aking may pintuan sa k'warto. "SwordMaster!" Tawag sa akin ni Sebastian at pinagbuksan ko siya ng pinto. Natulala siya sa akin at pinagkatitigan ang buong ako. "Ikaw ba 'yan? Nawala po ang angas mo ngayon ah.." Ngising aniya "by the way, tumawag na po sa akin si President Wade at kayo na lang daw ang hinihintay kanina pa sa simbahan."
"Matuto silang maghintay..." Pabiro kong sagot sa kanya at natawa siya sa akin. "Dala na naman nina Mama 'yung sword ko 'di ba?"
"Yes po!"
Tumango ako sa kanya "Okay, 'tara."
Lumabas ako ng aking k'warto at hinawakan naman ni Sebastian ang aking kamay upang ako'y alalayan. Habang kami'y bumaba ng hagdan ay nagbigay sa akin nang paggalang ang aming mga tauhan. Lumabas kami ng bahay at dumiretso akong sumakay ng kotse. Naunang lumabas ng aming compound ang sasakyang sinakyan nina Leo, kasunod ang sa amin at ang nasa huli namin ay ang aming mga tauhan.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating din kami sa labas ng simbahan. Agad naman lumapit sa akin ang ilang kumukuha ng litrato at kinuhanan nila ako. Natanaw ko naman mula sa loob ng sasakyan ang aming mga abay na pinapalakad na sa unahan isa-isa, saka nama ako bumaba at muli akong inalalayan nina Sebastian upang pumwesto, saka sila pumasok sa loob sa may kanan at iniwan ako sa may labas. Sa pag-pwesto kong iyon ay nakasarado na ang napakamalaking pinto ng simbahan. Hanggang sa nagbukas ito ng dahan-dahan.