John MaxWade's POV
KINABUKASAN
Maaga akong nagising dahil sa tawag ni Wendel sa akin. Sinabi niya sa akin na pupunta kami ngayon sa Siargao, kasama sina John MaxZien, Averie Bailey, Brent, Nathalia, Jacky, John MaxCollin at ang kapatid n'yang si Jane Wendy. Hindi ko alam kung ano'ng naisipan niya at gustong pumunta doon para lamang sa gagawing kong proposal kay Averie. Pero kahit ganoon, masaya ako at nakakaramdam nang kilig dahil sinusuportahan nila kaming dalawa ni Averie. At ngayo'y hindi mapapantayan ng kahit sino ang aking kasiyahan.
Ngayon ay hindi pa alam ni John MaxCollin na kasama siya sa pagpuntang Siargao, kaya naman agad akong lumabas ng k'warto ko upang puntahan siya sa room niya. Ngunit nararamdaman kong hindi siya sasama sa amin, lalo pa't napakaseryoso na niya ngayon sa kanyang buhay.
Kumatok ako ng tatlong beses sa kanyang pinto. "John MaxCollin?" Tawag ko
"What?" Sigaw niya mula sa loob ng k'warto niya
"May pupuntahan tayo ngayon... Pack your things now!"
Binuksan niya ang pinto at mumukat-mukat siyang nagkukusot ng kanyang mga mata "Where are we going?" Tanong niya, sabay hikab. "Who planned it?"
"Sa Siargao, si Kuya Wendel mo ang nagplano..." Ngiting sagot ko sa kanya at tumango-tango siya "Diba hindi natuloy ang proposal ko kahapon?... Edi ngayon ko itutuloy at tutulungan ako ni Wendel."
"Okay. Alam na ba nina Mama?"
"Alam na at nakausap na ni John MaxZien sina Mama at Tatay kanina."
"Okay!" Sagot niya at tumalikod sa akin, saka muling sinaraduhan ang kanyang pinto.
Sasama ba s'ya?
"Sasama ka ba?!" Tanong ko
"Yeeess!"
Muli akong bumalik sa aking k'warto para ayusin ang aking mga gamit. Ngayo'y naghahanap ako ng maari kong gamitin para sa proposal ko sa kanya at ang tanging napili ko ay simple lamang. Ang aking black coat, white t-shirt, maong pants at ang aking white sneakers. Inilagay ko na ang lahat ng ito sa aking maleta, gayundin ang iba kong mga susuotin. Saka ko kinuha ang aking cellphone para tawagan si Averie upang sabihin sa kanya na may pupuntahan kami ngayon.
Bii Averie Bailey.... Ringing....
Bii Averie Bailey.... Ringing....
Bii Averie Bailey.... Ringing....Me: Hello Bii? Good morning!
Bii: Alam ko na ang sasabihin mo, tumawag na sa akin ang John MaxZien
Me: Hahahaha nice! nice! Ayos na ba ang mga gamit mo?
Bii: Nag-aayos pa lang at nakapagpaalam na ako kina Mommy
Me: Hahahaha okay
Bii: Bakit ang saya mo?
Me: Wala lang.... Kasi gagala ulit tayo sa malayong lugar
Bii: Oo nga hahaha sige na at mag-aayos na ako ng sarili ko
Me: Okay Bii! Magpahatid ka sa mga tauhan namin dito
Bii: Sige, I love you!
Me: I love you too!
Binaba ko na ang tawag ko dahil nasosobrahan ako sa aking pagkasabik at wala siyang kaalam-alam sa mangyayari ngayon. Ultimo na siya lang talaga ang hindi nakakaalam nang lahat ng ito. Gayun alam din nina Tita Ashie at Tito Barry na hihingin ko na ang kamay ng kanilang anak at pinayagan nila ako. Bigla naman tumunog ang aking cellphone.
John Wendel' s Calling.