CHAPTER 56 (BORACAY)

21 3 42
                                    

John MaxWade' s POV

Sa ngayon ay hindi ako makapaniwala na hindi gaanong tumutol si Tatay at si Mama sa amin ni John MaxZien. Pumayag siya sa ibinigay na desisyon ni Sir Vincent para sa amin. Ngunit nararamdaman ko sa kanila ang pagtitiwala nila sa amin. Kahit na kasama namin ang taong aming minamahal at binibigyan ko sila ng malaking respeto. Upang hindi mawala o masira ang tiwalang ibinigay nila sa min, gayon upang sa mga susunod pa namin na mga pupuntahan ay muli silang pumayag na magsama-samang muli kami sa iisang silid.

Pagkapasok namin sa loob ni Averie ay binuksan ko agad ang aking maleta upang kunin ang aking isusuot na damit, dahil kinakailangan ko nang maligo upang mamaya ay deretso na lamang sa pagtulog. Pagkatapos kong mag-shower ay lumabas akong kinukuskos ang aking buhok at nadatnan ko naman siyang nag-aayos ng aming mga damit.

"Maliligo ka din ba?" Tanong ko

"Oo. Hintayin mo ako, mabilis lang." sagot niyang hindi tumitingin sa akin, sabay kuha ng damit niyang inihanda na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Sige."

Tinalikudan niya ako saka siya nagpasok sa loob ng banyo. Naisipan ko naman buksan ang TV habang siya ay hinihintay ko. Saktong pag-upo kong iyon sa sofa ay bigla naman tumunog ang aking cellphone mula sa aking bag at saka ko iyon kinuha.

From: John MaxZien
Kuya sumunod na lang kayo sa baba ni Sweetie.

To: John MaxZien
Sisimulan mo nanaman! Nakakainis! Susunod na lang kami.
Message Sent 6:30pm

Muli akong umupos sa sofa at pinagpatuloy ang panonood ng isang pelikula mula sa bansang America. Maya-maya pa, pagkalipas ng kinse minuto ay natapos na din si Averie sa kanyang panliligo. Gaya ng suot kong pantulog na pajama ay ganoon rin ang sa kanya.

"Nasa baba na sila.." sabi ko sa kanya habang pinupunasan niya ang kanyang buhok. "Sumunod na lang daw tayo."

"Sige" tipid niyang sagot

May problema ba sya?

Nagtaka naman ako dahil kanina ay masaya siya nang malaman niya na magkasama kami sa iisang silid. Naramdaman ko na lamang kanina habang kami'y nakasakay ng elevator ang kanyang pananahimik. Panay ang tingin niya sa dalawa nina John Wendel na nagkukulitan at nag-aasaran. Ngunit hindi ko iyon iniintindi dahil kung minsan siya ay ganoon na lamang umasta. Pero ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit pawang ako'y kanyang iniiwasan, kahit na wala akong nagawang mali sa kanya.

Lumapit ako sa kanya habang siya ay may pinapahid na cream sa kanyang mukha. Niyakap ko ang kanyang likod at naramdaman ko ang kanyang pagkagulat. "May problema ba tayo?"

Hindi niya ako nililingon, kaya naman humarap ako sa may salamin upang tingnan doon ang kanyang mukha. Kukurap-kurap siyang nagpapahid ng kanyang cream sa may part ng leeg. "Wala." Sagot niyang malamig ang boses.

"Ramdam ko na may problema ka.. Tell me, ano iyon?"

"Nothing."

"Sweetie... Alam kong meron at dama ko 'yon."

"Bakit hindi mo alam?" Tanong niya at napalunok ako.

"Ramdam ko nga lang."

"Kapag ba nalaman mo...." Paputol niyang imik "Okay lang sa iyo?"

Muli akong napalunok dahil mukha siyang seryoso. "Ano nga ba 'yon?"

Huminga s'ya nang malalim "Nakakainggit kase sina John MaxZien at Wendel."

Nagtaka naman ako sa kanya "Bakit naman? Ano'ng ikaka-iinggit mo sa dalawang 'yon, eh lagi silang magka-kontra?.. Minsan nga lang sila sweet."

"Ang sweet kaya nila. Panay ang kanilang kulitan, asaran at pikunan.." malungkot niyang imik "At ang dikit pa lagi ni Wendel sa kakambal mo!"

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon