John MaxWade's POV
Tumawag sa akin kanina si Averie habang ako'y kumakain at sinabi n'ya na kinakailangan na niyang umuwi. Dahil maggagawa sila ni Tita Ashie ng cake at cupcakes. Ngayon ay kalalabas lamang niya at hahayaan ko na muna siyang walang mang-istorbo sa kanya. Lalo pa't ngayon lamang ulit sila makakapag-bonding ni Tita Ashie. At maya-maya lamang din ay makakapag-usap na ulit kaming dalawa, dahil sinabi din niya sa akin na dadalhan nila din kami mamaya ng kanilang mga ginawa.
Bago kami umalis ng bahay ay pinag-usapan na muna namin nina Mama kung anu-anong ginawang mga plano nila laban sa mga Tan at Zhang. Ang lahat nang ginawang plano nila ay kasado na sa buong samahan ng In The Dark. Nagsama-sama silang buuin ang planong ito at hindi na nila kami kinailangan pa. Dahil ayaw nilang magagambala ang aming mga pag-aaral. Nabuo nila ang plano nang maayos, kahit na nahirapan sila sa una ay nagawan din ito ng paraan sa huli.
Ngayon ay papasok pa lang kami ni John MaxZien at mukhang male-late kami sa sobrang traffic. Matmaya ang tingin ko sa aking kakambal at wala pa rin siyang kakibo-kibi simula pa kanina at ngayon din ay napakadalang niyang umimik. Pakiramdam ko'y naapektuhan siya sa sinabi ni Wendel kahapon, about sa pagpunta ng pamilya Smith sa Australia. Lalo pa sa ibinalita sa akin kanina ni Averie, dahil anumang oras o araw ay lilipad din agad ang mga ito kung kailan man nila magustuhan.
"Kuya?" Biglang imik niya at napaayos naman ako ng aking pagkakaupo.
"Yes, John MaxZien?"
"Sa tingin mo ba...." Aniyang nakatuon ang paningin sa mga sasakyan. "Kailangan ko ng itigil ang paglapit kay Carter?... Gayun may nakuha na din naman tayo sa kanya."
"Nasa sa iyo na 'yon.... Kung ayaw mo nang masaktan pa si Wendel, edi itigil mo na."
"Pero.... Naaawa ako kay Carter. Baka kung ano'ng mangyari sa kanya."
Umiling ako at gumalaw naman ang mga sasakyan na nasa aming unahan. "Napakahirap.... Pero sa tingin ko'y alam niya ang ginagawa n'ya... Malaki ang tiwala ko sa kanya."
"Sana balang-araw.... Maging mapayapa ang buhay n'ya. 'Yung buhay na hinahangad niya. Kung maaari lang sana ngayon ay kinuha ko na siya at ginawang aking tauhan."
"Hindi ba niya alam na ganoon ang gagawin ng kanyang pamilya?"
Nagkibat-balikat siya. "Siguro'y alam niya.. pero hindi siguro katulad nang kanyang inaakala."
"Siguro ang pagkakaalam lang niya ay ang guluhin tayong dalawa... Pero hindi niya inaasahan 'yung gagawin sa iyo ng kanyang pamilya."
"Naguguluhan ako."
Muli akong napatingin sa kanya dahil seryosong-seryo siya sa kanyang mga sinasabi. Nang bigla namang tumunog ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Tita Ashie's Calling.
Me: Hello Tita?
Tita: Magkasama ba kayo ni Averie? Kase nag-text s'ya sa akin na pauwi na daw s'ya, pero wala pa naman. Kanina pa siyang nag-text.
Me: Hindi ho. Baka na traffic lang? Dahil sobrang traffic ngayon at mukhang ma le-late kami ni John MaxZien.
Tita: Ah gano'n ba? Tinatawagan ko din s'ya pero hindi nagriring ang cellphone n'ya eh.
"Ano naman kaya ang ginagawa n'ya?"
Me: Okay Tita. Ako na ho ang bahalang tumawag sa kanya and I'm sure na, natraffic lang din siya.
Tita: Sige John MaxWade, Thank you!. Balitaan mo aho ha?
Me: Sige ho
"Si Tita Ashie ba ang tumawag?" Tanong ni John MaxZien