CHAPTER 89 (A MEMORABLE DAY)

13 3 75
                                    

KINABUKASAN pagkagising ko ay naramdaman  ko ang pananakit ng ulo't katawan ko, dahilan sa hindi sumakto ang bilang ng oras nang aking pagtulog. Isa pa ay hindi rin agad ako nakatulog kagabi pagkarating namin ni Kuya galing Gradball. Itong pakiramdam na ito ang isa sa pinakaaayaw kong mangyari sa akin. Hindi mapaliwanag ng aking katawan kung saan ako uupo o hihiga, pawang sobrang nalalambot ako sa lahat ng aming ginawa kagabi. Kaya naman nagtuloy-tuloy ako sa banyo upang maligo, nang sa gayo'y mawala ang aking pagkalambutin.

Mula sa labas ng aking silid ay pakinig ko ang nangingibabaw ngayong boses ni John MaxCollin na panay ang kausap niya sa alaga niyang aso. Kahit na ito'y hindi sumasagot sa kanya, at panay lamang ang tahol nito na animo'y naiintindihan ni John MaxCollin ang tinatahol nito.

Nang matapos na akong mag-ayos ng aking sarili ay saka ako lumabas ng aking silid. Pinasuot sa akin ni Mama ang kanyang dress na Lavander na hindi masyadong kaigsian at tamang-tama lang ito sa akin. Dumeretso ako sa hapagkainan at nadatnan ko silang lahat doon na magsisimula pa lamang kumain.

"Congratulations din sa iyo anak!" Sabi ni Tatay, saka ako umupo sa aking mismong upuan. At kumuha ng aking pagkain.

"Ok ka lang ba?" tanong ni Mama

"Oho. Medyo masakit lang ho ang ulo ko." Tugon ko

"Uminom ka ng gamot, after mong kumain."

Tumango ako sa kanya at kumuha ng kanin, steak, at itlog. Saka ako dinalhan ni Ate Susan ng malamig na juice. Susubo na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Mama.

Good Afternoon din...
Okay! What is it?...
Today?... To—...
No problem!....
Oh! Okay, okay!...
Ok! Copy

Nagtaka naman ako sa kanya dahil ang kaninang masayang mukha niya ay napalitan ng pagkaseryoso. Tumayo siya at nagtuloy naman ako sa aking pagkain. Tumayo rin si Tatay at sumunod kay Mama sa kabilang kitchen. Sa pangalawa kong subo ay tumayo rin si Kuya at nagpunta din sa kabilang kitchen. At ngayo'y may nararamdaman akong kakaiba sa kanilang mga ikinikilos.

Tumayo din ako at naisipan kong sundan sila. "Ano'ng meron?" Tanong ko sa kanila

"May importante lang kaming pinag-uusapan..." Sagot ni Tatay. "about sa Hotel and Resort natin sa Boracay."

"And Yezz!! " Sabat ni Kuya at napahinga siya ng malalim "Tama si Tatay... Gusto ko sanang pagtrabahuhin si Averie sa ating Hotel, kaya humihingi ako ng abiso sa kanila ngayon."

"Tapusin mo na ang kinakain mo at uminom ka na ng gamot, baka ma-late pa tayo sa inyong Graduation." Sabi ni Mama

Muli akong bumalik at ipinagpatuloy ang aking kinakain. Sinilip ko ang aking cellphone at nagtatakang walang paramdam ngayong araw sa akin si Wendel.

To: Babe John Wendel
Sup Babe!!
Message Sent 12:19pm

Replied: Good Afternoon Babe ko. Wait lang mamaya tayo mag-usap, may inaayos lang kami nina Mommy. I love you!

"Ano naman kaya iyon?"

To: Babe John Wendel
Ok.

"Ay kingina! Ang sakit ng ulo ko." Mahinang bulong ko dahil pawang tinutusok ito sa sakit.

Hindi ko na ito ininda pa, bagkus ay nagtuloy muli ako sa aking kinakain. Dinalhan naman ako ni Ate Susan ng gamot sa masasakit at saka ko ito ininom.

John Wendel's POV

Maaga akong nagising at agad akong nagpunta sa flower shop para ibili si Babe ng isang bungkos na bulaklak. Pagkatapos kong bumili ay nagdiretso ako sa Mall para bilhan naman siya ng proposal ring. Dahil gaya nang sinabi ko noon sa sarili ko na, after mismo ng graduation namin ay mag-popropose na ako sa kanya. At wala siyang ka alam-alam na gagawin ko ito ngayon sa kanya.

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon