John MaxWade's POV
Dalawang linggo na kaming namamalagi dito sa Ospital sa America at nung isang araw lamang nagising si John MaxZien. Laking pasasalamat ko sa mga nag-aalaga sa kanya dito na mga Doctor at Nurse, hindi nila hinahayaan na may mangyari na masama sa kakambal ko. Lagi silang bumibisita sa loob ng k'wartong ito matmaya. Kahit na minsa'y si John MaxZien na ang nagsasawa dahil paulit-ulit lamang daw ang ginagawa sa kanya at masaya ako para sa kanya, dahil hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ng puso niya, at iyon ang pa rin ang puso niyang malamig.
Noong unang araw namin dito, agad nagsanib p'wersa ang mga Doctor upang maisalba ito. Base sa unang tingin nila ay kinakailangan na palitan ang puso nito, dahil sa daplis nang pagkakasaksak sa kanya at kinakailangan ng malalim na surgery. Ngunit gumawa sila ng paraan upang hindi mapalitan ito. Sinimulan nila ang operasyon at inabot sila ng mahigit na limang oras sa pag-oopera dito. Pero kahit nagtagal ay naging successful sila.
Sa araw-araw na pagtawag ko kay Averie, lagi niyang sinasabi sa akin na hindi sumusuko si Wendel na magpunta sa amin araw-araw. Lubos ang paghanga ko sa kanya, dahil nakikita ko na tunay ang pagmamahal niya sa kapatid ko, kahit na may nagawa siyang kalokohan na hindi niya ginusto. Gani-gabi din tumutunog ang cellphone ni John MaxZien t'wing pagsapit ng ikaw-pito ng gabi at iyon ay ang voice message ni Wendel. Hindi ko iyon binubuksan ng mga oras na iyon, dahil gusto kong si John MaxZien mismo ang makakita ng lahat ng mga message nito sa kanya. At ngayon ay isa-isa niya itong pinapakinggan.
"Ang t'yaga din nitong si Wendel.." Sabi ko "biruin mo, pagsapit ng umaga ay agad siyang pumupunta sa bahay at maghapon na siya doon.. umaalis lang siya kapag gumagabi na."
"Bahala na muna siya sa buhay niya..." Seryosong sagot ni John MaxZien at kinabahan naman ako. Saka siya tumingin kay Mama. "Ma? Ano'ng plano natin sa gumawa nito sa akin?... May plano na akong naisip para kay Wendel.." Aniya't nagtaka ako. "mismong pagdating natin sa Pilipinas ay makikipaghiwalay na muna ako kay Wendel."
"Huh?" Takang tanong ko at lumingon siya sa akin. "'Di ba sabi mo ay hindi mo iiwan si Wendel?"
"Patapusin mo muna kase ako, Kuya" sambit niya at muling humarap kina Mama.
"Huwag ka munang mag-react, MaxWade." Sabat ni Tatay habang kumakain at tumango ako sa kanya.
"Malakas ang hinala ko na ang may kagagawan nito ay ang mga Zhang...." Imik pa rin ni John MaxZien. "Kailangan kong mapahulog pa lalo ang puso ni Carter sa akin... at malakas ang hinala ko na may taong nakaraan na nasa likod nito, dahil hindi ito basta-basta magagawa ng mga Zhang, gayun wala tayong ginagawang kasalanan sa kanila at ngayon lang natin sila nakilala."
Nasisiguro kong sina Alex Tan ang mga ito.
"Iyon lang?" Tanong ko
Muli siyang humarap sa akin at nginitian niya ako ng kanyang ngiting payabang. "Iyon lang... pero matinik."
"Okay. Basta mag-iingat ka..." Sabi ni Mama. "Iyan din ang hinala ko... lalo na noong na-k'wento ang lahat sa amin ng Kuya mo.." Aniya't tumingin siya sa akin. "Kinakailangan mo ng umuwi ngayon sa Pilipinas."
Napa-awang naman ang labi ko. "Bakit ho?"
"May ginawa na kaming plano, gaya nang pananaw ni John MaxZien ay iisa lang kami ng hinala.. Kinakailangan mong malaman ang buong pagkatao ng mga Zhang at kailangan mong nasa likod mo lagi sina Sebastian at Dakot."
"Saan kayo sasakay pagbalik?" Tanong ko
"Malamang sa eroplano." pabalang na sabat ni John MaxZien "Baka ang iniisip mo ay mag-tricycle kami pabalik ng Pinas."