WARNING MATURED SCENES AND EFFECTS!
Jan Ace's POV
Kakatapos lang ng seremonya nang kasal nina Jenny at sakto naman kaming nasa Reception, kaya tinawagan ko na muna ang anak kong si John MaxZien upang kumustahin ang lagay nila sa The Young Hotel.
Nagka-usap kami ng ilang minuto at hindi ko akalain ang nangyari sa kanila ngayon doon. At saka ko agad sinabi kay Mama at Daddy ang nangyari sa bagong Manager ng kanilang Hotel.
"Hindi n'yo ho alam na ganoon ang ugali ng bagong Manager n'yo?" Takang tanong ko sa kanila
Umiling sila sa akin "Hindi Jan Ace... Maganda ang pakikitungo niya sa amin" sagot ni Daddy
Tumango-tango ako. "Maganda ho kapag nakaharap... Pero kapag naka talikod na kayo, nagiging halimaw na siya sa mga empleyado n'yo."
"One week pa laang siya sa Hotel..." Sabat ni Mama "At hindi ko akalain talaga na magagawa niya iyon sa mga matatagal na natin na empleyado"
"May mga ganoon ho talagang mga tao na hindi natin inaasahan na may mga masasama silang pag-uugali... kapag nakatalikod na tayo." Sabat ng asawa kong si John Wade.
"Tama lang ang naging desisyon ni John MaxZien.." Sabat naman ni Ninong Asti at tumingin siya sa akin "Ikamusta mo din Jan Ace sa kambal ang Young Dining Restaurant, ang Galaxy Young Resort at ang The Young Bar"
"Sige ho"
Hanggang sa nagsimula na ang mga programa at saka kami kumain. At umuwi ng Hotel.
"Babe?"
"Hmmm?" Sagot ko habang kinukuha ko ang aking pamalit na damit.
"Gumawa ulit tayo ng isa hehehehe"
Tumingin ako sa kanya at panay ang taas ng kanyang mga kilay "Eh kung ikaw kaya ang buntisin ko? Ang hirap umanak huh!"
Tumawa siya "Binibiro lang naman kita Babe, s'yempre tamana ang tatlong 'yon.. Pero pa isa na lang Babe para may remembrance tayo dito sa room na ito!"
"Baliw!"
"Sayoooo!"
Yumakap siya sa may likudan ko "Hindi pa ako nakakapagpalit.. Mag shower na muna ako, bago ka dumikit sa akin."
"Mabango ka pa rin naman Babe"
"Amoy usok"
Muli siyang natawa "Hindi ah... Ang sweet nga ng pabango mo, kaya na aakit ako." bulong niya "Babe?"
"Ano?"
"Hindi na kaya babalik sina Alex Tan?..."
Nagtaka naman ako sa kanya "Bakit mo naman naisip 'yan?"
"Wala lang... biglang pumasok lang sa isipan ko.... Pinalabas ko na ulit hahahaha"
Abnormal pa rin hanggang ngayon siya
Nang biglang may kumatok sa pinto at pagbukas ni Babe ay si John MaxCollin iyon. Dumiretso siyang umupo sa may kama namin at humiga.
"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Tanong ko
"Naiisip ko kase si MaxZo."
Natawa naman sa kanya ang kanyang ama "Nag-update na sa akin si Leo, napakain at napa liguan na daw niya si MaxZo kanina pa."
"Good to hear.." sabay tayo niya "Goodnight ho"
Ngumiti ako sa kanya "Goodnight din anak"