John MaxZien's POV
Nakarating kami nang maayos sa lugar ng Cavite at nalagpasan ko ang lahat ng mga trapikong dinaanan namin. Ngayon ay malapit na kami sa may abandoned gasoline station na kung saan ibinigay ng location si Averie Bailey. Tumigil ako sa may tabi ng bakanteng lote, mukhang hindi ito masyadong dinaraanan ng mga pribado o pang-publiko man na sasakyan. Sa tinigilan kong lugar na ito mula rito ay tanaw na ang abandoned gasoline station at sa nakikita ko'y mayroong iyon na isang bahay na katabi.
"Mukhang nasa loob ng bahay na iyon si Averie.. sa tingin mo?." Sabi ko.
"Nasaan na ba kase sina Mama?" Tonong pagalit na tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya at iyon nanaman s'ya na mukhang kinakabahan at natatakot. Hindi ko nakikita sa kanya ngayon ang isang SwordMan John MaxWade na matapang at hindi matatakutin. Kung sa bagay, ang taong mahal nga niya ang nasa kapahamakan. Pero kinakailangan n'yang maging matapang para kay Averie Bailey.
Napasilip ako sa may side left mirror ng kotse at may isang Van na paparating. Agaran ko namang tiningnan ang plate number nito at iyon ay ang mga taga In The Dark. At sa likod ng sasakyan namin sila tumigil.
"Dumating na sina Sebastian." Bulong ko
Sumilip naman si Dakota sa may bintana at nagbigay ng hudyat siya sa akin. Mananatili kaming naririto sa loob ng sasakyan hangga't hindi dumarating sina Mama. Hanggang sa maya-maya pa ay sa aking paghihintay ay may dumating na sa isang sasakyan na itim at mukhang sina Mama na ito, dahil iyon ang sasakyan nilang Fortuner. At sakto naman tumunog ang aking cellphone.
Mama Jan Ace.... Calling....
Me: Kayo ho ba ang nasa likod nina Sebastian?
Mama: Oo SwordMaster... Unang lalabas ay sina Sebastian at Dakota para icheck ang area... At sesensyas sila sa atin kapag tayo na ang susunod sa kanila.
Me: Copy, President.
Mama: Maging alerto kayo, talasan ang pandinig at ang pakiramdam.. Tandaan pa rin 'yung lagi kong sinasabi, huwag basta-basta aatake.
Mama: Masusunod ho.
Bumaba na sina Sebastian at Dakota ng sasakyan nila. Naghiwalay sila ng direksyon para hindi sila mapansin ng kahit sino. Nang makarating na si Sebastian sa may gasolinahan ay may biglang lumabas na lalaki at ito ay may kibat na baril sa kanyang balikat. Kaya naman sinugod agad ito ni Sebastian at inihampas ang ulo sa may pader, at iyon ang ikinataob ng lalaki.
"Mukhang iisa ang nagbabantay sa labas...." Biglang imik ni Kuya "Mga mahihina."
Napangisi naman ako habang pinapanood ang mga ito, dahil tama si Kuya, napakamasyadong mahihina ng mga tauhan ng mga Tan at Zhang kahit kailan. Lagi na lamang ang mga itong pumapalyado. At sabay naman sumenyas ang dalawa sa amin.
"It's time to fight back." Sabi ko, saka kami lumabas ng kotse kasunod sina Mama at ang iba pa naming mga tauhan.
"Huwag kayong gagawa ng kahit ano'ng ingay, para hindi nila tayo malaman na naririto na tayo...." Ani ni Tatay "Gaya nang ginawa nina Sebastian at Dakota."
"Gotcha po President!" Sagot nila
Favorite nila talaga ang word na Gotcha hehehehe
Dali-dali kaming lumakad at lumapit kina Sebastian. Nang makarating kami sa may gasolinahan ay naghiwa-hiwalay ang aming mga tauhan na kasama sina Mama at Tatay sa may likod para doon sila pumasok. Habang kaming apat nina Sebastian at Dakota ang magkakasama na papasok sa Main door. Dahil masyadong maypagkalakihan din itong bahay.