Averie Bailey's POV
Pagkapaalam ko sa amin ay umalis na agad ako at dinala ko ang aking sasakyan patungo kina Bii. Dahil ngayong araw na ito ang pagpunta namin sa Puerto Galera. Naisipan kong sumama sa kanilang dalawa dahilan upang makaiwas sa napakahabang long quiz sa isa namin na Minor subject kay Professor Chan. Ayokong umattend sa klase niya dahil para sa akin ay pawang isa siyang Professor na baliw na nakatakas sa isang Mental Hospital. At kahit ilang beses na ako'y hindi umattend sa klase niya ay kayang-kaya ko iyong bawiin at i-perfect ang buong pagsusulit niya sa Finals.
Saktong pagkadating ko ay nakita ko agad ang sasakyan ni Wendel na nakaparada sa may labasan at mukhang kanina pa siyang nakarating.
"Ayos na kaya sila ni John MaxZien?" Tanong ko sa aking sarili. Saka ko ipinarke ang aking sasakyan sa itinuturo na bakanteng lugar ni Kuya Leo na isa sa mga tauhan sa ITD. Lumapit siya sa akin at tinulungan akong magbaba ng aking dalang maleta. "Thanks Kuya Leo!" Ngumiti siya sa akin at saka ako lumapit sa may pinaka main door upang kumatok. "Bii?" Tawag ko, narinig ko naman ang yabag sa loob. Bumukas ang pinto at si Wendel ang bumungad sa akin.
"Oh Averie!" Tanong niyang tumataas ang dalawang kilay.
"Kanina ka pa?... Where are they?"
"Kani-kanina lang ako at nasa taas sila, may kinukuha lang saglit."
Tinitigan ko siya dahil mukhang ang lungkot-lungkot pa rin niya. "Kumusta na kayo ng John MaxZien mo?"
Napalunok siya at hindi agad nakapagsalita. "Hindi pa kami nagkakausap"
"Nilapitan mo na ba s'ya kanina?"
Umiling siya "Hindi pa... hindi pa kase siya bumababa pagkadating ko. Si John MaxWade lang."
Tinapik ko siya sa kanyang brado "Hayaan mo at kakausapin ka din no'n."
"Biii! Kanina ka pa ba?" Biglang sabat ni jowa mula sa may likod ni Wendel, kasunod si John MaxZien.
"Babago lang..." sagot ko sa kanya at kumaway ako kay John MaxZien
"Tara na.." Imik niya. Bumaling ako kay Wendel na titig na titog ito sa kanya. "Baka matunaw ako." Ani niyo.
Napangiti naman ako nang palihim dahil nakakaramdam ako ng kilig sa kanilang dalawa. Ganoon si John MaxZien kapag nagiging okay na siya, nagiging baliw kung magsalita at nasisiguro kong napatawad na niya si Wendel.
"Let's Go!" Aya ni Bii.
"SwordMaster!" Tawag ni Kuya Leo "Kaninong sasakyan po ang dadalhin natin?"
"Sa akin." Tugon agad niya at hinagis kay Leo ang kanyang susi.
"Gotcha!"
Isinakay nang tuluyan nina Wendel at Bii ang aming mga gamit sa kotse ni John MaxZien. Papasok na sana kami sa loob ng kotse, ngunit mukhang hindi kami kasyang apat sa likod at may isang magpaparaya na umupo sa unahan, sa tabi ni Leo.
"Hindi tayo kasyang apat."
"Ako na ang sa unahan." presinta ni Wendel at
napatingin kaming lahat sa kanya."Sa tabi kita." Seryosong imik ni John MaxZien at nagulat naman ang bading niyang jowa sa kanya.
Yiieeeee!! Hahahaha ma-ru-pok?
Natawa naman ako "Kenekeleg eke... My gessshhh!"
"Mag-ihi ka sana." Sabi ni John MaxZien sa akin at nawala ang matatamis kong mga ngiti sa aking labi.