John Wendel's POV
Ngayong araw na ito, panibagong araw at panibagong pag-asa. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagpunta ko sa bahay ng mga La Leon at nagbabakasakaling may makuha akong balita sa kanya. Gayundin, patuloy pa rin ako sa aking ginagawang voice message para sa kanya at nagbakakasakali din na kahit kaunting tikhim niya ay marinig ko muli ang boses niya. Dahil tatlong linggo na ang nakalipas nang wala kaming pag-uusap dalawa. At masakit para sa akin ang lahat ng ito at pinagsisisihan ko ang lahat ng mga nagawa kong pagkakamali.
Ngayong umaga, nang makarating ako sa bahay ng mga La Leon ay napapansin ko sa mga taong naririto ngayon ang kanilang pagiging abala. Naghahanda sila ng mga pagkain sa lamesa at mukhang magkakaroon ng malaking salo-salo. Nakipag-kwentuhan naman ako kina John MaxWade at Averie, at tinanong sa kanila kung ano'ng meron ngayon dito. Gaya nang naiisip ko'y iyon lamang din ang sinagot nila sa akin. Kung kaya naman lumabas na muna akong panandalian at nagpunta sa aking sasakyan upang tingnan kung nakabukas ang bintana nito. Pero sa hindi ko inaasahan ay narinig ko ang pag-uusap nina Ate Susan at narinig ko sa kanya na ngayon ang dating nina Babe. Tinanong ko at kinumperma ito sa kanya at inamin niya sa akin na ngayon mismo ang dating nina Tita Jan Ace. Kaya naman nagmadali akong lumabas ng compound nila dala ang aking sasakyan upang bumili ng isang bungkos na bulaklak para kay Babe, nang sa gayon ay matuwa siya.
Trenta minuto ang nakalipas at muling nakabalik ako sa kanila, dala ang bulaklak kong binili. Hanggang sa dumating silang tatlo na sabay-sabay pumasok sa loob ng bahay. Tuwang-tuwa ang puso ko nang makita kong muli si Babe, lumulukso ito sa tuwa na pawang si Averie sa sobrang pagkatuwa. Sa nakikita ko ngayon sa kanya ay hindi nagbabago ang hitsura niya, ngunit nakikita ko sa mga mata niya ang kanyang pagkapagod. Kaya naman nalungkot ako dahil alam kong ako ang dahilan nito.
Ngayon ay nagka-usap kaming saglit at sobrang damang-dama ko ang pagiging cold niya ngayon sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagka-cold niya noon na may halong pagka-sweetness at sanay na sanay na ako doon, at ngayon naman ay magkaibang-magkaiba ang lahat. Sobrang sakit, ngunit kinakaya na lamang ang lahat dahil ako ang may kasalanan ng lahat ng mga nangyayari sa aming dalawa. Nalulungkot ako ng sobra, dahil hindi na siya 'yung Babe ko na pagkakakita niya sa akin ay yakap agad, ngunit kailangan kong unawain ang nararamdaman niya.
At ngayon ay papalapit siya sa akin na diretsong-diretso ang tingin niya, at ang mga tinginan niyang iyon ang isa sa aking mga na-miss noong mga nagdaang linggo.
"Can we talk outside?" Tanong niya.
Tumayo agad ako at ngumiti sa kanya. "Oo naman."
Sabay kaming dalawang lumabas ng bahay at hindi ko magawang hawakan ang kanyang mga kamay. Dahil natatakot ako na baka lumpuhin bigla niya ako. Nagtungo kaming dalawa sa may garden area at saka umupo sa kanilang swing chair.
"Kumusta ka na, Babe?" Tanong ko agad.
"Okay na." Sagot niyang nakatingin sa kanyang kaliwang bahagi.
"'Yung totoo?"
Humarap siya sa akin at tinitigan ang aking mga maga. "Masakit." Imik niyang walang emosyon.
Napahinga ako ng malalim at bigla kong hinawakan ang kanyang kamay, dahil natatakot ako sa mga mangyayari. "Babe.. Sorry sa lahat, hindi ko ginusto ang nangyari... Sana ako na lang ang sinaksak."
Sana ako na lang.
"Intindi ko... Ilang beses mo nang sinabi 'yan sa Voice message mo."
Nahimasmasan ako nang sabihin niya iyon at naramdaman kong umalon ang aking puso sa tuwa. "Talaga Babe? Pinapakinggan mo 'yung mga voice message ko?"