CHAPTER 64

17 3 45
                                    

John Wendel' s POV

Bakas na bakas sa mukha ni Babe ang pagkagalit at pagtitimpi niya sa akin at mukhang hindi niya ako patatawarin sa ekspresyon ng mukha niyang iyon. Nararamdaman ko na pati sarili ko ay hindi ko para kayang patawarin. Hiyang-hiya ako sa kanilang lahat at hindi ako nag-iingat sa aking mga ikinikilos. Gayon ngayon lang ulit bumalik sa isipan ko na hindi sila 'yung basta-basta mga ordinaryong mga tao na kagaya namin, dahil paiba-iba ang kanilang pag-iisip at hindi mo malalaman kung sinusundan ka ba nila o hindi. At sa nangyari ngayon na ito ay hindi ko alam kung saan paraan niya ako mapapatawad.

Babe? Sana 'wag kang magbabago sa akin, please. Mahal na mahal kita.

"Hindi ako natutuwa sa ginawa n'yo ni Danica...." Desmayadong imik ni John MaxWade. "Ni hindi mo man lang dinepensahan ang sarili mo kay Danica?"

"Sabi ko na talaga eh, mali ang hinala ko sa babaeng yan!" Giit ni Averie "May sa higad talaga 'yan."

"Kaya nasaktan ang John MaxZien mo, hindi mo agad sinabi sa kanya, kahit na nagtataka ka na kung bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag mo kagabi.." Sabi naman ni Jacky "dapat kung ganoon, nag-message ka sana at sinabi mo ang iyong pagkakamali.... iyon ang punto niya, at hindi ka man lang nagalit o nainis kay Danica.. Pero kilala ko naman si John MaxZien, madaling mawala ang galit no'n, basta humingi ka lang ng humingi ng patawad at sinsero ka sa mga sinasabi mo."

"Oo nga, kaya sa sunod na mangyari ulit ang ganoong bagay, huwag naman sana.. dipensahan mo ang sarili mo at hindi iyon na nasasarapan ka pa sa ginagawa sa'yo! Period." Nanlilisik na mga matang imik ni Averie sa akin. "Naku nang gigigil talaga ako, gusto kong magsalita ng masama!"

"Ikalma mo Averiana!"

Sumang-ayon ako sa kanila dahil lahat ng kanilang mga sinabi ay may punto at tama. Ngunit nakokonsensya lamang ako dahil napakabuting tao sa akin ni Danica. "Naisip ko kase ng mga sandaling iyon ang mararamdaman ni Danica kapag ginawa ko iyon sa kanya." sagot ko

"Huh? Hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ni John MaxZien?" Inis na imik ni John MaxWade at nasapo ko naman ang aking noo dahil sa aking sinabi. "Respect her feelings. Even if it doesn't mean anything to you, it could mean everything to her."

"Kaya ako'y humihingi ng paumanhin sa inyong lahat.. At ayaw kong lumaki pa ito. Sana mapatawad n'yo ako sa aking inasta."

Bigla naman akong tinapik sa balikat ni John MaxWade at mukhang patatawarin niya ako. "Subukan mo lang gawin 'yun ulit.... at paniguradong hindi kami ni John MaxZien ang makakaharap mo, kundi sina Mama."

Kumalabog naman ng malakas ang aking puso nang sabihin niya iyon. "Ayokong magagalit sa akin sina Tito at Tita.. Promise, I'll stay away from Danica. Pero siya ang kusang lumalapit sa akin e."

"Edi layuan mo lang ng layuan, magsasawa din 'yon. Iparamdam mo sa kanya na pinagtatabuyan mo siya, ewan ko na lang kapag lumapit pa 'yon sa'yo. Paniguradong siya ang inahin ng mga higad 'pag lumapit pa siya.." Sagot ni Averie at natawa naman si Jacky sa kanya. "Kaya dapat huwag kang gagawa ng mga bagay na ikagagalit nina Tita Jan Ace kung ayaw mong magalit sila sa'yo.. Nakakatakot pa naman silang magalit, parang Lion at Tigre na nakawala sa kanilang cage."

"Grabe ka naman Averie kung mag-describe ka kina Tito't Tita, sumbong kita!" Nanghahabang ngusong sabi ni Jacky.

Tinarayan siya nito. "Joke lang naman 'yon! Oy!"

"Ay biglang binawe?"

Tumunog naman ang cellphone ni John MaxWade "Sandali lang." Sabi niya, saka siya tumayo't lumabas.

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon