CHAPTER 80 (REVEALED)

15 3 71
                                    

John Wendel's POV

Sa isang linggong nakalipas ay hindi ako lumalabas ng bahay. Nakapatay ang aking cellphone upang walang kung ano'ng mang-abala sa akin at inuunti-unting tanggapin ang lahat. Sa mga nagdaang mga araw ramdam ko sa aking sarili na ubos na ubos na ako, pawang wala na kung ano'ng tumatakbo o pumapasok sa isipan ko. Masyadong nablanko ang aking isipan sa lahat, naging manhid ang aking buong pagkatao at higit sa lahat, kahit pamilya ko'y hindi ko magawang kausapin dahil sa kahihiyan na nagawa ko, lalong-lalo na kay Papa.

Papasok na sana ako ng aming classroom nang bigla kong nakasalubong sina Brent at Nathalia. Kinamusta nila ako, pero hindi nila inaasahan ang lahat ng mga sinagot ko. Hindi nila alam ang nagyari sa amin ni John MaxZien dahil nasa bakasyon sila no'ng mga araw na iyon. Kaya naman gulat na gulat sila sa aking sinabi. Nagtapat ako sa kanila at inamin na ako ang may mali sa lahat, kung kaya naman nagkaganito kami ni John MaxZien.

Pagkapasok ko ng aming room ay umupo agad ako sa aking upuan at naalala ang sinabi nina Mommy sa akin kagabi.

~~~~ Flashback ~~~~

"Wendel, anak?" Imik ni Mommy mula sa aking tabi at tumingin ako sa kanya."Napagkasunduan na namin ng Papa mo na.... bumalik na muna tayo sa Australia para doon magsimula nang panibagong buhay.." Aniya. "Nakausap na naman din namin si Jane Wendy at pumayag naman siya.. hindi dahil kay Daniel kaya gusto niyang bumalik sa Australia, kundi para sa ating pamilya."

John MaxZien..

"Sanay ka nanaman doon 'di ba?" Tanong ni Papa "Huwag mo sanang isipin na ako'y galit sa iyo.. dahil sa nangyari. Naririto ako at handang tulungan ka."

Napangiti ako sa kanya. "Salamat po.." sagot ko sa kanya at humarap muli ako kay Mommy. "Dati po ay sana'y ako.. pero ngayon ay hindi na.. Narito na ang buhay ko ngayon sa Pilipinas."

"Dahil ba kay John MaxZien?" Tanong niya

"Makakalimutan mo din s'ya anak... Lalo pa 'pag pumunta na tayo sa Australia."

Nalungkot naman ako dahil nararamdaman kong wala na talagang pag-asa pang muli kaming magkabalikan. "Mahirap po kalimutan, pero uunti-untiin ko... Pero sa ngayon po, bigyan n'yo po muna ako ng oras at araw para mapag-isipan ko po itong pa-Australia."

"Sige anak, anytime sabihin mo at ready na tayong umalis din."

Tumango ako sa kanila at sa pagtalikod nilang iyon sa akin ay tumigil muli ang aking mundo. Naiisip ko pa rin si John MaxZien, dahil hindi ko siya kayang iwan. Muling bumuhos ang aking mga luha dahil sa mga kaganapan na mga nangyayari ngayon.

~~~~ End of Flashback ~~~~

"Hi Baby Boy!" Biglang imik ni Danica mula sa aking likudan at hindi ko siya iniintindi "Pansinin mo naman ako Baby!"

Lumingon ako sa kanya at tiningnan ng masama. "Huwag mo akong matawag-tawag ng ganyan! Nakakadiri ka!.. Lumayo ka nga!.. Alam mo ba 'yon!"

"Ang hard mo naman sa akin.." nguso niyang sabi at iniwasan ko siya ng tingin.  "May sasabihin sana ako sa'yo... about kina Carter and sa girlfriend mo."

Nagtaka naman ako at muling humarap sa kanya "Ano'ng tungkol sa kanila?"

"Nagtext kase sa akin ang wirdo kong kapatid.. Niyaya daw siya ni John MaxZien na lumabas."

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon