CHAPTER 55 (BORACAY)

22 3 68
                                    

LUMIPAS ANG DALAWANG LINGGO at ngayon ang pagpunta ng aming pamilya sa Boracay, kasama ang aming mga kaibigan. Tatlong araw kaming mamamalagi doon dahil makikipag negosyo sina Mama kaya kinakailangan namin pumunta roon. Balak niya ang magpatayo ng Hotel o Casino sa lugar na iyon, kaya naman susubukan niyang makipag-usap sa kanyang mga kakilalang taga Boracay.

Ngunit kanina lamang ay nagkaroon ng aberys sa Airport. Nakansela ang biyahe papunta sa lugar na iyon, sa kadahilanang nagkaproblema ang eroplanong sasakyan namin. Kaya naman, agad na tumawag si Mama kay Sebastian upang sila ang maghatid sa amin papuntang Boracay gamit ang aming Private Plane na ngayon ay maayos na at puwede na muling gamitin. At ngayon ay mahigit ng nasa fifty minutes kaming nasa himpapawid.

"Babe....." bulong sa akin ni Wendel habang kami ay nakasakay na sa loob ng plane namin. "Tabi tayo sa pagtulog mamaya."

"Asa ka... Sina Kuya ang katabi mo." mahina sagot ko.

"Nagsasawa na akong makasama 'yun sa room hehehehe"

Tiningnan ko siya. "Hindi maaari.. Kung ayaw mong mapauwi ka ng maaga sa Batangas."

Napatawa naman s'ya sa akin na kagat-kagat ang kanyang labi "Binibiro lang naman kita Babe."

"PJA?" Biglang tawag ni Sebastian mula sa unahan. "Ano'ng oras nga po pala namin kayo kakaunin?"

"Saktong ten a.m, dapat naroon na ulit kayo." sagot ni Mama

"Kamusta nga pala sa In The Dark, Babe?" Biglang tanong sa akin ni Wendel

Tumingin ako sa kanya "Walang pagbabago.... Nananatili pa rin silang nagmamatyag at nakikiramdam." sagot ko

Tumango-tango sya sa akin "Bakit nga pala hindi na kayo napunta sa In The Dark ni John MaxWade?" Muling tanong niya na mukhang interesadong malaman.

"Wala pa ulit kaming Mission ni Kuya.... Sina Tatay at Mama na lang muna ang pumupunta. Dahil sila ang mas kailangan doon."

Maya-maya pa ay tumayo na ang ilan naming mga tauhan dahil unti-unti na bumaba ang eroplano. Nagsimulang magsalita muli si Dakota na siyang tagapagmaneho ng eroplanong ito at pinag-iingat niya ang bawat isa sa pagtayo.

"Inaantok ako." Imik ni Averie mula sa unahan namin ni Wendel na nag-aayos ng kanyang maleta.

"Matulog ka na d'yan, sumama ka na lang ulit kina Sebastian pabalik ng Cavite." pabiro kong sagot

Lumingon siya sa akin na kunot na kunot ang kanyang noo. "Nakakaasar ka John MaxZien!" Pataas na tonong imik niya at napatawa naman si Kuya. "Ang saya-saya talaga! Tsk!"

Bugnutin pa rin..

Bumaba kami mismo sa isang napakalaki at bakanteng lote na kung saan dito bumababa ang mga pribadong pang himpapawid. Nauanang bumaba sina Mama, kasunod ang mga Lat na lagi naming kasama, sumunod ay ang aming mga kaibigan at ang kahuli-hulihang bumaba ay kaming dalawa ni Wendel.

"Ang gandaaaaaaa!...." Manghang imik ni Jack habang winawagayway ang laylayan ng kanyang suot na yellow dress. "Thank You Tito and Tita La Leon hehehehe"

"Mag-enjoy lang kayo habang may inaayos kami ni Wade.." sagot ni Mama at bumaling s'ya ng tingin kay Sebastian "Sebastian! Sumama na muna kayo sa amin papuntang Hotel."

"Hindi na po PJA.." tugon nito. "Uuwi na din po kami ni Dakota ngayon.. mahirap na kapag 'yung mismong mga tauhan lang natin ang naroroon."

"Salamat sa pagiging tapat n'yo sa amin ni Jan Ace...." Sabat ni Tatay. "Hayaan n'yo at dadagdagan ni PJA ang sahod n'yo."

Natawa ito sa kanya "Sapat na po ang aming kinikita sa inyo at napakalaki na rin 'yon." Sagot pa rin ni Sebastian.

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon