Averie Bailey's POV
Magkakasama-sama kaming apat nina Nathalia sa aming paglilibot. Itinuro nila sa amin ang tamang paraan ng pagpipitas ng mga bulaklak na maaaring pang-dekorasyon. Dinala din nila kami sa may bandang dulo na kung saan doon nakatanim ang mga kape, paminta, coconut tree, lansones, dragon fruit, at iba't iba pang klase ng mga halaman at prutas. Hinahalintulad naman ni Bii ang Hacienda ng mga Bernardo at dito, ang pinagkaiba lamang daw ay maroon silang isang pavilion doon at bakanteng mga lote na maaaring pagtayuan ng mga bahay.
"Nakapunta na ba ako sa Hacienda ng mga Bernardo?" Tanong kong mahina sa aking sarili habang kumakain ng saging kong pinitas kanina sa aming dinaanan. "Wala akong matandaan."
"Hindi ka pa nakakapunta.." biglang imik ni Bii at mukhang nakinig siya sa tanong ko sa aking sarili. "Sa ngayon ay hindi na muna iyon pinapapuntahan.. nasisira kasi ang mga tanim, isa pa ay nilalagyan ang lahat ng palibot ng pader dahil may mga ibang taong pumapasok doon upang manguha't manira ng halaman."
Lumingon ako sa kanya. "Eh bakit naman kasi ayaw tirahan iyon ng ibang mga Bernardo?" Tanong ko.
"May plano na din doon, kaya nilalagyan ng pader ang lahat ng palibot nito... Doon kami magtatayo ng bahay ni John MaxZien, dahil doon din magtatayo ng kanilang mga bahay ang ilang mga Bernardo. Dahil occupied na sa lugar namin na iyon, sa compound."
"Taray talaga ng pamilya n'yo."
"Punta lang kami saglit sa mga nagluluto ng ating lunch." Biglang imik ni Brent
Tumango ako sa kanya. "Sigiii!" Sagot ko, saka sila umalis.
"Masyadong umiinit na." Ani ni Bii "May payong ka bang dala?"
"Ahuh! Nagbaon talaga ako dahil masyadong maarte ang mga kasama ko!"
"Girl Scout 'yan?"
"Yes! Hindi palpak!"
Kinuha ko ang aking payong na dala at ibinigay sa kanya. Tumalikod siya sa akin saka niya iyon binuksan at naglakad-lakad upang mamitas ng mga bulaklak. Umupo ako sa isang tabi dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Nagulat na lamang ako nang bigla akong hagisan ni Bii ng mga petals ng bulaklak. Natatawa naman ako sa kanyang ginagawa na hinahagisan niya ako ng mga petals habang siya ay namamayong.
"Bii?.. Nasaan na kaya 'yung dalawa?" Tanong ko
Tumabi't umakbay siya sa akin "Sina John MaxZien ba?"
"Oo"
"Baka naglilibot pa din sila."
Napaisip naman ako dahil hindi man lang ang mga ito sumusunod sa amin. "Baka hindi na Bii.. Masyadong mainit na kase, kilala mo naman ang John MaxZien, mas malala pa sa'yo."
"Babalikan na ba natin sila?"
"Gusto mo ba?"
"Oo... Nangangawit na din ako sa ating paglalakad kanina eh."
Sabay kaming tumayo at pinagpagan ko naman ang aking may likod, saka kami muling bumalik. Pagbalik namin sa may Entrance ay wala pa rin sila doon. Naglakad-lakad kami sa may gawing kanan na kung saan na sinabi nila na doon sila pupunta. Nadatnan namin sila doon na magkaharapan at sa nakikita ko ngayon sa kanila ay mukhang may pinagtalunan na naman silang dalawa. Dahil nakikita ko ngayon kay John MaxZien ang pamumula ng kanyang mukha na animo'y umiyak.