CHAPTER 90 (THE PREPARATION)

15 3 57
                                    

WARNING! MATURED SCENES AND EFFCTS!

Averie Bailey's POV

KINABUKASAN

Ngayon ay maghahanap din agad kami ng venue ng reception, simbahan, isusuot ng ikakasal at ng sa mga abay, at magulang. Dahil sa darating na ikatlong linggo na mismo ipagdiriwang ang kasal nina John MaxZien. Kakatuwang isipin na pawang kailan lamang kami nagkakila-kilala, pawang kailan lamang kami nagtapos sa sekondarya at nananatili pa rin sa aking puso ang lahat ng mga ala-ala. Napakaraming pinagdaanan nilang dalawa, pero mas pinili pa rin nila ang tiwala at pagmamahalan ng isa't isa. Masasabi kong ako na yata ang pinakamasayang kaibigan nila ngayon, dahil ang minimithi ko lamang noon ay ang pagbabalikan nilang dalawa. At ngayon ay hindi lamang pagbabalikan, kundi nauwi sa kasalan.

Masaya din ako ngayon sa nangyayari sa aming dalawa ni Bii simula pa lamang sa umpisa. Hindi kami 'yung tipo nina John MaxZien at Wendel na lagi na lamang nagbabangayawan at nagkakagulo. Lagi kaming dalawa ni Bii na nag-uunawaan sa isa't isa, kung kaya naman hindi kami gaanong katulad nila na pagkaka-ayos ay sweet na muli. Pero masaya ako sa kung ano'ng relasyon namin ngayon ni John MaxWade, siya 'yung tipo kong lalaki sa lahat na pawang maypakahawig ni Papa Barry. At kahit na ganoon lamang kami ni John MaxWade ay kinikilig pa rin ako sa kanya araw-araw, dahil sa kapogian niyang taglay ay pawang ayaw nang humiwalay pa sa kanya ng aking kaluluwa.

Gayun pa man, may ayaw din ako minsan sa ugali ng mga La Leon. Ito ay ang kanilang pagiging deretsahan sa pagsagot. Masyadong silang masakit magsalita, pero nasa tama naman ang kanilang mga sinasabi. Masyadong silang hard at hindi man lang magpakipot, at iyon ang kinaiinisan ko sa kanila, lalong-lalo na kay John MaxWade minsan, ganoon rin kay John MaxZien.

"Bii..." Tawag ko habang sila ay nagbabayad ng mga binili namin na mga susuotin. "Bagay na bagay sa akin 'tong gown na 'to." Ngising sabi ko sa kanya, habang sinusukat-sukat ko ito.

Tumingin siya sa akin at nginitian lamang ako ng tipid "Hindi bagay."

Sinamaan ko siya nang tingin at tinalikudan siya. "Edi hindi."

Minsan na nga laang mag-feeling! Tsk! Kahit kailan talaga itong mga La Leon... Ang ha-hard, masyadong mapanakit!

Lumabas ako ng store habang sila ay nasa loob ni Tita Jan Ace. Umupo ako sa may hagdanan at saka doon nagmasid sa mga dumaraan. Napahalumbaba naman ako dahil nararamdaman ko na ang pagkapagod at pagsakit ng aking katawan. Hinubad ko ang sandals na aking suot at saka ko ginalaw-galaw ang aking paa. At ngayo'y nakaramdam ng kaginhawaan ang aking mga paa.

Ang sakit ng hips ko.. sa kalalakad na din siguro.. Signs of aging na yata ito, pero 21 pa lang naman ako HAHAHAHA sira!

"Nalulumpo na ako, ene be!" Usal ko at humilig sa pader. "Gusto ko na humiga't matulog! Anuna Averiana! Gusto na rin ng katawan kong padaanan sa malaking pison."

Itinaas-taas ko ang aking dalawang kamay at binanat dahil sa sobrang ngalay. Gayundin ang aking mga hita at bewang.

Laking gulat ko nang may biglang yumakap sa aking likod at hindi ako nagkakamali na si Bii ito dahil sa amoy ng kanyang pamango. "Bagay na bagay sa'yo 'yung wedding gown... Bii." bulong niya sa akin "Gusto mo bang bilihin ko?... Nasa loob pa si Mama."

"Luh!... At aanhin ko naman 'yon?." Pagmamataas na tonong imik ko. "Alangan naman suot ko 'yun habang nagwawalis ng bahay... o naglalaba ng panty ko."

Tumawa siya at ramdam na ramdam ko ang dampi ng kanyang hinga sa aking leeg. "P'wede naman."

"Oh edi bilihin mo... Tutal ikaw naman ang nakaisip eh."

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon