CHAPTER 54

26 3 63
                                    

John MaxWade' s POV

Lumipas ang tatlong araw at ngayong araw na ito gaganapin ang isa sa mga pinakahihintay ng bawat estudyante, ang araw ng kanilang departamento. Ngayon araw na ito gaganapin ang sa College of Architect. Subalit karamihan sa ibang estudyante ngayon, lalong-lalo na sa mga seniors ay marami ang nadismaya. Dahil isang araw lamang ngayong taon magaganap ang COA Day, dahilan sa nahagip na ng bakasyon ang mga araw na dapat nararapat para sa aming department. At sinunod na lamang ng aming department ang mga nakatataas sa ibinigay nilang isang araw.

Napagkasunduan ni Professor Lany at ng aming Choreographer ang aming mga isusuot. Sa ngayon, naka suot ako ng black leather jacket, plain white shirt, maong short at white rubber shoes. Habang si John MaxZien naman ay naka silver leather jacket, plain black shirt, maong short na hindi masyadong maliit at black boots. Labag man sa kalooban ni John MaxZien ang magsuot ng short ay ginawa pa rin niya iyon, para sa grado ng bawat isa. Gayon nakasanayan niya ang laging naka suot ng pajama, trouser at maong pants.

"Kitang-kita naman ang legs ko nito, tsk!" Kunot no'ong imik ni John MaxZien.

"After natin sumayaw, mag change clothes ka agad." Sagot ko.

"Hindi ka lang sanay.." sabat ni Mama "Nagmana ka talaga sa akin."

"Take off your jacket and cover your legs when you sit down.." Sabat naman ni John MaxCollin na seryosong nanonood ng TV. "And I'm sure kapag may tumingin sa legs mo, sure ako na magseselos si Kuya Wendel."

"Nagbibinata ka na talaga ah!" Ngising imik ko at tiningnan lamang niya ako, saka muling humarap sa kanyang pinapanood. "Wala ng Ate! Ate! Ate!"

"Just like seasons, people change."

"How old are you na nga ba?"

Tiningnan lang niya ako at muling humarap sa TV. "Thirteen."

"Kambal, baka makalimutan n'yo sabihin sa mga kaibigan n'yo'yung ating pag-boboracay this coming April na." Imik ni Tatay na kumakain ng almonds peanuts sa plato.

Nasapo ko ang aking noo dahil nakalimutan ko na agad ang aming napag-usapan noong isang araw. Nagkaroon sina Mama nang biglaang lakad papunta roon at nag suggest ako na kung puwedeng isama ang aming mga kaibigan para mas lalong masaya ang aming pagbabakasyon. At naisipan ko naman agad na sabihin sa mga ito ang tungkol sa Boracay pero nakalimutan ko din agad iyon dahilan sa tinawag ako ni Tito Max Jr upang magpatulong mag-ayos ng kanilang sasakyan.

"Sige ho." sagot ni John MaxZien

"Sige na at baka kayo'y mahuli na."

Hindi ko nasabi sa kanila...

"Huyy!!" Sabay siko sa akin ni John MaxZien

Tumingin ako sa kanya "Sorry, sorry!"

Sabay kaming lumabas ng bahay at dumiretso siya g sakay sa aking sasakyan, at mukhang hindi niya dadalahin ang sa kanya.

"Ano bang iniisip mo?" Tanong nya sa akin

"Nakalimutan ko kaseng sabihin kina Brent 'yung tungkol sa Boracay.. sasabihin ko na din sana e, tinawagan lang ako ni Tito Max Jr."

Nginisian lamang niya ako na pawang may ibig-sabihin. "Bakit mukhang aligaga ka?"

"Baka kase hindi sila sumama... eh sayang ang binayad nina Mama sa pagpapa-booking."

"Ako na ang bahala.. Ako ang makikipag-usap sa kanila. Laki ng problema mo agad, hindi na ang mga iyon makakapalag pa sa akin." mayabang niyang sagutan.

IN THE DARK Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon