Chapter 2
"And then this is our building, Bs Biological Anthropology" saad ni Annie at huminto kami sa apat na palapag na building.
Ang building namin ay katabi lang ng Business Ad. Magsasalita na sana ako ng tumunog ang isang malaking speaker na nasa building namin.
"All students please proceed at the gym right now for the orientation."
" I repeat, All students please proceed at the gym right now for the orientation."
Orientation? I thought sa first day palang ay may class na agad. I guess I'm wrong.
"Well let's go, bawal pa naman ma-late" saad ni Annie kaya tumango lang ako.
Kinawit n'ya ang braso n'ya saakin at sabay kaming naglakad pa punta sa gym, well actually hindi ko naman alam ang daan pa punta sa gym kaya sumasabay lang ako kay Annie. Habang papunta sa gym ay hindi ko mapigilang mapalingon lingon sa paligid, may mga studyante na panay ang tingin sa direction namin ni Annie. Kanina ko pa sila napapansin, seguro ay sikat itong si Annie, vice president kasi kaya panay tingin sila saamin.
Pagliko namin ay nakita ko ang isang malaking gusali, ito na yata yun. Hinawakan ni Annie ang doorknob at tinulak ito para makapasok kami. Sa pagpasok namin ay bumungad sa amin ang maraming studyante na kanya kanya ang upo sa bleachers, bahagya pa akong napakunot ang nuo ng medyo tumahimik sila at tumingin saamin kaya medyo na ilang ako. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Annie kaya napalingon s'ya saakin.
"Bakit sila nakatingin?" mahinang tanong ko, mahina naman itong tumawa at tinapik tapik ang kamay ko.
"Ang ganda mo kasi, at seguro ay nagtaka lang sila ngayon ka lang nila nakita" medyo nahiya naman ako sa sinabi ni Annie.
"Hindi naman ako ganun ka ganda, baka ikaw ang tinitignan nila, VP ka diba"
"Hindi no, ikaw talaga, agaw pansin kasi ang beauty mo girl, parang ang kuya mo lang" saad nito at dinala ako sa may unahan na upuan.
Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila at nilibot ang tingin, ang laki ng gym, may stage sa harapan at pinalibutan na ng bleachers ang lugar, seguro ay dito rin ang court ng basketball player. Ang nasa harapan ng gym nato ay ang malawak na soccer field, nakakamangha kasi ang laki talaga ng ispasyo.
No wonder malaki ang Hamilton University, subrang yaman kasi ng mga Hamilton, palagi silang nangunguna pag dating sa business, palaging na fea-featured ang business nila sa TV kaya alam ko. Hinahangaan din sila ni Daddy kasi ang galing daw nila pagdating sa business. Magaling naman ang Daddy ko pero iba talaga ang Hamilton.
Nabaling ang tingin ko sa stage ng isa isang pumasok ang mga studyante doon, may tatlong lalaki at dalawang babae, lahat sila ay may itsura, pero ang nakakuha ng atensyon ko ay yung may abo ang buhok. Pwede palang magkulay ng buhok pag nasa paaralan. Bigla akong kinabahan ng tumingin ito saakin? Or assuming lang ako. Biglang gumapang ang kaba sa dibdib ko at namawis ang kamay ko sa hindi malamang dahilan.
Napaiwas ako ng tingin at napalunok.
What was that?
Lumapit yung may itim na buhok na lalaki sa microphone at tumingin sa paligid.
"Good Morning Hamilton University, I'm Paul Emerson your SSG President" ah President pala s'ya, ang formal n'ya tignan at parang professional. Pero napakunot ang nuo ko at bumaling kay Annie.
Vice President si Annie pero bakit wala s'ya roon sa stage seguro naman ay mga kasamahan n'ya sa SSG ang ibang nasa stage.
"Bakit hindi ka kasama sa kanila Annie" tanong ko. Bumaling ito sa akin at nagkamot ng ulo.
BINABASA MO ANG
Innocent Obsession
General Fiction[COMPLETED] Rhearain is innocent woman, she doesn't know much about the things related outside their house. She's homeschooled since elementary days to high school. When she came at right age at 18 years old, she decided to go to a prestigious Unive...