Chapter 5

22.7K 654 75
                                        

Chapter 5

"Let's hangout this coming saturday Rain, what do you think?" napakamot naman ako ng ulo sa sinabi ni Annie.

"I'm not sure Annie" may halong lungkot sa boses ko.

Baka kasi hindi ako payagan nila Mommy lumabas, lalo nat hindi sila kasama. I know that I'm in a right age already pero may rason naman kasi sila kaya ayaw nila akong umalis ng walang kasama na kilala nila at mapagkakatiwalaan.

"Bakit naman?" nakasimangot nitong tanong, napangiti naman ako dahil doon, ang cute n'ya.

"Baka hindi ako payagan ni Mommy, hindi naman kasi ako lumalabas dati eh" pag aamin ko, malungkot naman itong tumango saakin at nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa classroom.

"Eh yung ibang kaibigan mo Annie hindi ba sila lalabas?" natanong ko sa kanya.

Narinig ko ang naman ang malalim na buntog hininga nito. Is she sad?

"You see Rain I don't have any friend" may halong lungkot sa boses nito.

"I mean I have friends before pero you know people change, masyado na silang disperada at bitch kaya hindi na ako sumama sa kanila ayaw kung mahawa sa kanila" dagdag pa nito.

Gusto kong magtanong pero pinigilan ko nalang ang sarili ko, nahahata ko rin kasing ayaw n'yang pag usapan iyon, kaya nanatili nalang akong tahimik.

"But now you're here, I'm no longer alone besides your're far from other girls over there" balik na ulit sa sigla ang boses nito kaya napangiti narin ako.

Sa araw araw naming magkasama ni Annie, nasanay na ako sa pagngiti nito at ang pagkamadaldal kaya nakakapanibago kung malungkot ito.

"Balik tayo sa topic alam ko na ang gagawin" ani ni Annie

"Pupunta nalang ako sa bahay n'yo, and then ako na mismo ang mag papaalam sa Mommy mo, close naman kami eh" saad n'ya at napaisip ako doon.

Well pwede naman, napapansin ko rin ngang close sila ng Mommy ko. Dahil na rin siguro mag kaibigan ang Mommy n'ya at si Mom.

"Sige punta ka sa bahay" saad ko.

Ngumiti naman ito at sinukbit ang kamay sa braso ko, papasok na sana kami sa classroom ng pigilan kami ng isang guro na lumapit sa amin. Halata rin na nagmamadali ito at may hawak na folder.

"Ms. Gaffner and Ms. Torres wait" saad ni Mrs. Reyes isa s'ya sa major subject Professor namin.

"Bakit po Ma'am?" tanong ni Annie ng makalapit na ang Professor namin.

"Can I have a favor, just this one Ms. Gaffner and Ms. Torres?" ngumiti naman ako sa guro namin at tumango tango.

"Of course Ma'am what is it?" I asked, she smile at us and handed me the folder she's holding awhile ago.

"Pwede bang paki bigay iyan sa SSG President, nasa gym sila ngayon nag pra-practice I think, may emergency kasi kaya hindi ko iyan mabibigay sa kanya. And please Ms. Gaffner tell him kailangan ko na yan this coming Monday" mahabang litanya ng guro kaya napatango tango ako sa sinabi n'ya.

"And Ms. Torres come with me I have a word with you regarding with your project because you're the leader" saad ni Ma'am at bumaling kay Annie.

Napasimangot si Annie dahil doon at tumingin kay Mrs. Reyes.

"Ma'am pwede ako nalang ang magbigay, besides I'm the Vice President" nakangiting saad ni Annie. Mabilis umiling si Ma'am at sumulyap sa panbisig na relo nito.

"No Ms. Torres let Ms. Gaffner do that and come with me" saad ni Ma'am at nauna nang maglakad paalis.

Nakasimangot na humarap si Annie saakin. Halatang disappointed ang mukha nito. Marahil ay hindi n'ya makikita ang romantically crush n'ya na si Paul Emerson.

Innocent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon